ISPORTS | TLPH pinapusyaw ang early mandation ng Falcons para sa 2-0 M7 campaign

R

Rhan Quinnet Saloma, Insight PH

Author

1 min readJanuary 13, 2026
ISPORTS | TLPH pinapusyaw ang early mandation ng Falcons para sa 2-0 M7 campaign

Hinadlangan ng Team Liquid PH (TLPH) ang tangkang mandato ng Team Falcons sa early stage upang masikwat ang 1-0 panalo at manatiling unbeaten sa Day 2 ng M7 World Championship Swiss stage sa Jakarta, Indonesia, kagabi.

Naghari sa unang mga minuto ang Team Falcons nang pumitas si Ayman "Sanjii" Alqarni gamit ang Sora ng dalawang kalaban at masiguro ng Akai ni Bien "Boyet" Chumecera ang unang turtle objective.

Gayunpaman, naibawi ni Kiel "Oheb" Soriano ang TLPH sa kaniyang Claude matapos paslangin ang counterpart gold laner ng dalawang beses at maitumba ang bottom lane outer turrets.

Sinundan ito ng 10-minute mark assault ng TLPH na pinangunahan ni Oheb at kumitil ng dalawa habang pumapasada ang Lord sa bottom lane.

Nagawang dumepensa ng Team Falcons, ngunit naipawalang-bisa ito ng jungle Nolan ni Karl "Karltzy" Nepumeceno sa paghagilap niya ng double kill bago tuluyang kunin ang Lord objective sa 13-minute mark.

Hanggang sa umabot ang bigong pagbakod ng Team Falcons ng base dahilan upang umalagwa ang decisive team fight ng TLPH at tuluyang selyuhan ang laban.

Tutumbok ang TLPH para sa susunod na laban kontra sa hindi pa naaanunsyong kalaban.

R

Written by Rhan Quinnet Saloma, Insight PH

Rhan Quinnet Saloma, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles