ISPORTS | PLDT, nangibabaw kontra Creamline; rumagasa sa debut game

J

Janette Cendaña, Insight PH

Author

2 min readFebruary 7, 2026
ISPORTS | PLDT, nangibabaw kontra Creamline; rumagasa sa debut game

Masiglang sinimulan ng PLDT ang kanilang kampanya sa Premier Volleyball League (PVL) matapos pabagsakin ang Creamline sa isang thrilling na 3-0 (25-22, 25-17, 25-23) na panalo sa 2026 PVL All-Filipino Conference na ginanap sa Filoil Centre sa San Juan nitong Pebrero 5.

Naging kapanapanabik ang laban dahil sa pagpapalitan ng matitinding depensa at clutch plays ng dalawang koponan, lalo na sa ikatlong set.

Agarang nagpasiklab si Savi Davison ng 13 puntos sa unang set para itakda ang tono ng opener ng High Speed Hitters.

Nang maitabla ng Creamline ang ikatlong set sa 23-all, rumesbak si Davison upang bigyang-kalamangan ang PLDT sa match point, bago tuluyang selyuhan ni Jovie Prado ang panalo sa pamamagitan ng game-winning block laban kay Tots Carlos.

Pinangunahan ni Davison ang High Speed Hitters bilang nag-iisang double digit scorer ng koponan na kumana ng 26 points, 11 digs, and 10 receptions, habang nag-ambag si Kianna Dy ng siyam na puntos.

Sa kabilang banda, nagtala sina Bernadeth Pons at Tots Carlos ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Cool Smashers.

Dahil sa panalo ng PLDT, pinalawig nila sa limang sunod na laro ang nag-iisang aktibong winning streak sa liga laban sa Creamline.

Umabot na ngayon sa dalawang taon, dalawang buwan, at 19 na araw, o eksaktong 811 araw, ang kahanga-hangang dominasyong ito.

J

Written by Janette Cendaña, Insight PH

Janette Cendaña, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

vvia John Benedict Silverio, Insight PH

Gilas turns red-hot from three late to keep Asiad title defense alive

Gilas turns red-hot from three late to keep Asiad title defense aliveIt looked like a Gilas Pilipinas shooting drill...

1 month ago• 3 min read
JJueben Jake Palima, Insight PH

SPORTS | Oftana’s 31 not enough as Gilas falls short vs Bahrain in Asiad opener

A last-minute inclusion almost became Gilas Pilipinas’ last-minute solution.But against the towering bigs of Bahrain, they nee...

1 month ago• 2 min read
JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

2 months ago• 2 min read
Explore all Sports articles