ISPORTS | Petro Gazz tinibag ang pagkabaog kontra sa Capital1; huling PVL tiket, ibinulsa

Y

Yahney Sabado, Insight PH

Author

2 min readNovember 16, 2025
ISPORTS | Petro Gazz tinibag ang pagkabaog kontra sa Capital1; huling PVL tiket, ibinulsa
Nagliyab ang Petro Gazz (Angels) matapos postehan ang Capital1 (Solar Spikers) upang matibag ang pagkabaon sa nakaraang laban at masiguro ang huling tiket sa quarterfinals, 25-27, 25-13, 25-10, at 25-13 (3-1), sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference, nitong Nobyembre 15, sa Ynares Center, Montalban, Rizal.

Rumatsada ang Petro Gazz sa pagdadala ng malakas na opensa na sinamahan ng solidong depensa na siyang nagpatibay sakanila sa tatlong sunod-sunod na panalo upang masungkit ang tiket tungo sa quarterfinals
Nasikwat ng Solar Spikers ang unang set matapos ang 25-27 na dikitang dikdikang laban at pagsasamantala ng kanilange momentum upang makuha ang early lead.

Ngunit, nag-init ang diwa ng Angels at pinagpag ang tatlong sunod-sunod na serye ng laro.

Rumesbak ang Petro Gazz matapos magpapakita ng matatag na depensa at malakas na atake upang masungkit ang 25-13, walong bentahe at matiklop ang ikalawang set.

Inani ng Angels ang malawak na bentahe sa iskor na 25-10 matapos ang maayos na koordinasyon na nagdala sa Capital1 upang hindi na makabawi sa ikatlong set.

Sa huling set, tuluyang tinangay ng Angels ang tiket at sinelyuhan ang panalo sa iskor na 25-13 upang makuha ang pwesto sa quarterfinals.

Nagpasiklab si MJ Phillips ng solidong middle block, kasama ang malakas na opensa,at net presence upang magapi ang Capital1 at mabansagang Best Player of the Game.

Inambag ng tambalang Lindsey Vancer Weide at Brooke Van Sickle ang matutunog na atake na siyang sumoporta kay MJ Phillips at mapalakas ang koponan.

“Alam naman namin kung gaano ka-importante yung game sa amin saka nire-remind naming lagi sila na mag focus sa kung anong nangyayari ngayon” ani Coach Rald Ricafort.

Samantala, namayagpag naman si Team Captain Bella Belen na umani ng 18 puntos at sinundan ni Sasha Bytsenko ng 17 na puntos.
Sa kabila ng pagkatalo ng Capital1, nakapasok parin sila sa Quarterfianls matapos makakuha ng sapat na puntos laban sa Crossovers at Flying Titans.
Aariba muli ang Petro Gazz sa quarterfinals upang madepensahan ang pwesto nitong darating na Nobyembre 24 sa Smart Arena Coliseum.
Y

Written by Yahney Sabado, Insight PH

Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles