ISPORTS | PAG-AKAY NI ABAI Fajardo kinarga ang SMB kontra TNT; titulo sa PBA50 Finals dinepensahan

F

Florenz Gie Abit, Insight PH

Author

2 min readFebruary 3, 2026
ISPORTS | PAG-AKAY NI ABAI Fajardo kinarga ang SMB kontra TNT; titulo sa PBA50 Finals dinepensahan

Kapag si Fajardo ang kumambyo, markado ang kampeonato.

Nilupig ng San Miguel Beermen ang TNT Tropang 5G sa pangunguna ni June Mar Fajardo matapos magposte ng double-double sapat upang maipuslit ang 92-77 panalo at angkinin ang back-to-back title sa Game 6 ng PBA50 Cup Finals na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pebrero 1.

Pinamunuan ni 13-time Best Player of the Conference Fajardo ang pagratsada ng San Miguel sa bisa ng 29-point at 23-rebound outing na nagmitsa para wakasan ang pag-abante ng TNT at mapasakamay ang Finals Most Valuable Player award.

"Masayang-masaya na nakuha namin itong championship," saad ni San Miguel Center sa isang panayam ng ABS-CBN pagkatapos ng laban.

Maagang nag-init si 9-time Season MVP Fajardo sa opening quarter matapos kumamada ng 10 puntos sa likod ng 5-5 shooting na umakay upang maipundar ang 26-5 lead at kontrolin ang unang quarter.

Samantala, nagpatuloy ang momentum ni Fajardo sa bisa ng matitikas na lay-ups at rim defense dahilan upang malimitahan sa 19 combined-points sa first at fourth quarter ang TNT at tuldukan ang laban sa anim na laro.

Dahi dito, itinanghal si Fajardo bilang Finals MVP at kauna-unahang manlalaro na nakatanggap ng Ramon Fernandez trophy matapos magtala ng 19.7 points, 18.3 boards, 1.7 assists, at isang block sa buong six-game Final’s series.

F

Written by Florenz Gie Abit, Insight PH

Florenz Gie Abit, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles