ISPORTS | Mateo inakay ang NUNS para lupigin ang UST sa UAAP boys baseball

R

Rhan Saloma, Insight PH

Author

2 min readFebruary 5, 2026
ISPORTS | Mateo inakay ang NUNS para lupigin ang UST sa UAAP boys baseball

Pinatnubayan ni Chester Mateo ang National University Nazareth School (NUNS) sa isang pitcher’s duel dahilan upang maungusan ang University of Santo Tomas (UST) at masikwat ang 4-3 panalo sa UAAP Season 88 High School Baseball Tournament nitong Miyerkules sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagpakawala ang Bullpup’s right-handed pitcher ng pulidong no-relief masterpiece para matamo ang top spot sa nasabing torneyo.

Nagsanhi ito upang mapagtagumpayan niya ang apat na hit at tatlong runs kontra sa earstwhile leader ng Junior Golden Sox.

Nagtala rin ang 18-anyos ng anim na strikeout sa hanay ng UST dahilan upang umusad ang talaan sa 4-2.

Bunsod nito, nagpahayag si NUNS head coach Romar Landicho ng obsebasyon niya sa laro ni Mateo, “Surprisingly, kinaya niya buong laro. Actually, this is the first time na makita ko siyang ganyan magperform. Sana magtuloy-tuloy.”

Bago pa man tuluyang manalo, umeskapo ang naturang koponan sa 2-2 kartada sa kasagsagan ng eight inning nang sinamantala nila ang dalawang costly errors ng UST.

Kasunod nito, rumatsada si Justine Lauriquez sa ikatlong base matapos mapasobra ng tapon sa second base si Golden Sox Jr. catcher Lance Bonifacio.

Mula roon, umambag ng puntos si Lauriquez matapos ng catching error ni UST first baseman Nash Ortiz na nagbigay sa NUNS ng 3-2 kalamangan at mas pinakunat pa ng 4-2 sa ninth.

Tuluyang ipinasakamay ng NUNS ang thrilling victory sa paghagis ni Jericho Catchero ng bola sa first base galing sa grounder ni Leshem Dawilan, kung saan muntik niya nang hindi masalo.

Naging malaking tulong ang 2-for-3 na may kasamang triple ni Mateo na sinegundahan pa ng pangunguna ni Lauriquez sa opensa sa pamamagitan ng tatlong hits at isang stolen base sa pagkamit nila ng top spot sa tunggalian.

R

Written by Rhan Saloma, Insight PH

Rhan Saloma, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles