ISPORTS | Letran pinatalsik ang Perpetual; unbeaten title sa NCAA women’s vball, pinagtibay

Y

Yahney Sabado, Insight PH

Author

1 min readFebruary 17, 2026
ISPORTS | Letran pinatalsik ang Perpetual; unbeaten title sa NCAA women’s vball, pinagtibay

Nanatiling malinis ang kartada ng Colegio de San Juan de Letran matapos talunin ang University of Perpetual Help gamit ang three-set sweep (25-18, 25-21, 25-14) sa NCAA Season 101 women’s volleyball upang mapahalagahan ang 5-0 win rate sa San Andres Gym nitong Martes, Pebrero 10.

Pinangunahan ni Marie Judiel Nitura ang Lady Knights sa pamamagitan ng 16 puntos mula sa 12 attacks, dalawang blocks, at dalawang aces kasama si Sheena Vanessa Sarie na nagtala rin ng 16 puntos.

Mabilis na nagbukas ang Lady Knights sa pamamagitan ng matibay na depensa at epektibong blocking nina Marie Judiel Nitura at Gia Maquilang para makamit ang 25-18 iskor at maibulsa ang sa unang set.

Sa ikalawang set, nagkaroon ng dikit na palitan ng puntos ang labanan, ngunit nagpakita ng clutch plays si Sheena Vanessa Sarie ng Lady Knights upang makamit ang 25-21 puntos at matiyak ang panalo.

Bumagsak ang depensa ng Lady Altas sa ikatlong set habang tuloy-tuloy ang service aces ng Letran upang mapahirapan ang Perpetual at magtulak sa kanila sa dominanteng pagtatapos sa iskor na 25-14.

Dahil sa panalong ito, inaasahan ang Lady Knights na makaharap ang mga natitirang kalaban sa kabilang grupo.

Y

Written by Yahney Sabado, Insight PH

Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles