ISPORTS l Kukuys sinupil ang Execration, namayagpag sa Predator League 2026 ‎

Y

Yahney Sabado, Insight PH

Author

1 min readNovember 28, 2025
ISPORTS l Kukuys sinupil ang Execration, namayagpag sa Predator League 2026 ‎

‎Sa isang matinding bakbakan na umabot ng limang laro, nagpakitang gilas ang Kukuys matapos na hugutin ang 3-2 sa grand finals laban sa powerhouse team Execration upang masungkit ang kampeonato sa Asia Pacific Predator League 2026 na naganap sa SM North Edsa, Quezon City, Nobyembre 25, 2025.


Matapos koronahan, inuwi ng koponan ang lion's share na may halagang ₱200,000, at pinagtibay nila ang kanilang panalo na nagsasabi na kaya pa rin nilang lumaban at umangat hindi lamang sa lokal na eksena.


"Masaya ako kasi 'yung apat na player, lumaban hanggang dulo," sabi ni Carlo “Kuku“ Palad matapos purihin ang kaniyang kasama sa koponan.


Nakakuha pa rin ang Execration ng ₱120,000 matapos masungkit ang ikalawang pwesto. 


Sinundan naman nito ng Team Nemesis at InterActive Philippines na nakakuha ng tig-₱50,000 matapos sungkitin ang ikatlong pwesto at magwagi sa laban para sa bronze medal.


Ang tatlong koponan na Kukuys, Execration at Team Nemesis ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Asia Pacific Predator League 2026, ito ay gaganapin sa sa India sa Enero.


Y

Written by Yahney Sabado, Insight PH

Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles
    ISPORTS l Kukuys sinupil ang Execration, namayagpag sa Predator League 2026 ‎ | Insight PH