Muling isasagawa sa Dubai ang isang kapana-panabik na laro ng Philippine Basketball Association (PBA) kung saan magsasagupaan ang Barangay Ginebra San Miguel at San Miguel Beermen, dalawang tanyag na koponan sa Pinas.
Ayon sa opisyal na pahayag ng liga, magaganap ang laban sa Coca-Cola Arena sa darating na Oktubre 26, ganap na alas 6 ng gabi sa Dubai time at alas 10 ng gabi naman sa Pinas.
Huling nagkasama ang dalawang koponan sa parehong venue noong 2019, subalit hindi sila nagharap. Sa halip, parehong nakalaban ng Ginebra at San Miguel ang NLEX Road Warriors sa dalawang magkahiwalay na laro.
Ngayong taon, inaasahan ang mas mataas na antas ng kompetisyon dahil bukod sa kanilang mga pangunahing manlalaro, tulad nina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, at Chris Ross, ay may mga bagong dagdag na manlalaro mula sa Season 50 Draft.
Ito rin ang unang pagkakataon na lalaban ang Ginebra sa isang international stage nang wala si LA Tenorio, na ngayo’y nagsisilbing head coach ng Magnolia Hotshots.
Para naman sa San Miguel Beermen, ang naturang laro ay bahagi ng kanilang paghahanda sa pagdepensa ng kanilang All-Filipino crown, matapos nilang talunin ang TNT Tropang Giga sa nakalipas na Philippine Cup at ang Barangay Ginebra sa semifinals ng Season 49.
via Rhan Quinnet G. Saloma, Insight PH

R
Written by Rhan Quinnet G. Saloma, Insight PH
Rhan Quinnet G. Saloma, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.