ISPORTS | Converge tinibag import-less Phoenix, PBA Commissioner's Cup win streak, pinatuloy

F

Florenz Gie Abit, Insight PH

Author

2 min readApril 28, 2026
ISPORTS | Converge tinibag import-less Phoenix, PBA Commissioner's Cup win streak, pinatuloy

Dinikdik ng Converge FiberXers ang James Dickey III-less Phoenix Fuel Masters matapos kumamada ng 130-103 dominasyon upang ituloy ang kanilang winning run sa PBA S50 Commissioner’s Cup noong Abril 26 sa Smart Araneta Coliseum.

Minanduhan ng American 6-foot-10 na si Donovan Smith ang Converge FiberXers sa kaniyang debut game nang patumbahin ang kaniyang former team Phoenix sa bisa ng kaniyang impresibong double-double performance: 32 puntos, 12 boards, at tatlong blocks.

Bunsod nito, naiburda ng Converge ang kanilang pinakamataas na offensive output sa kumperensya at ang kanilang ikaanim na pinakamalaking win margin sa kasaysayan ng prangkisa.

"Hindi naging mahirap ‘yung decision [na magpalit ng import], naging mabilis lang based on the last game," pahayag ni Converge head coach Delta Pineda, ayon sa GMA News.

Kaagad na kinontrol ng Converge ang laro sa unang kuwarter matapos magpuslit ng 8-0 advantage bago nakamit ang unang double-digit lead, 21-11, sa tulong ng dalawang three-pointers mula kina Smith at Justine Baltazar.

Mula rito, tuluyan nang dinomina ng Converge ang ritmo ng laban at hindi na muling lumingon pa matapos panatilihin ang bitbit na kalamangan.

Nagpatuloy ang mahusay na momentum ni Smith sa opening stretch ng ikaapat na kuwarter matapos magtala ng consecutive baskets na sinundan ng isang tres upang maitulak ang Converge sa 101-75 na kalamangan.

Samantala, umalagwa si Juan Gomez de Liaño sa likod ng kanyang four-pointer na sinahugan ng isang three-pointer na kumumpleto sa kanilang 34-point lead, 123-89, sa nalalabing 4:12 minuto ng laro.

Mula noon, hindi na napigilan pa ng Phoenix ang pagragasa ng offensive plays at estratehikong defensive efforts ng Converge na nagpatibay sa kanilang panalo.

Sa kabilang dako, inakay naman ni Ricci Rivero sa isang losing effort ang Phoenix matapos maglista ng 26 puntos, anim na rebounds, at dalawang assist na humalili kay Dickey dahil sa ankle sprain.

Dahil dito, naiposte ng Converge ang kanilang silya sa playoff matapos maibalandra ang 4-6 rekord.

Makakaharap ng Converge ang NLEX ngayong Sabado sa Ninoy Aquino Stadium.

F

Written by Florenz Gie Abit, Insight PH

Florenz Gie Abit, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles