ISPORTS | Boatwright kumamada ng 41 puntos sa debut; SMB kinalawit NLEX

F

Florenz Gie Abit, Insight PH

Author

2 min readApril 20, 2026
ISPORTS | Boatwright kumamada ng 41 puntos sa debut; SMB kinalawit NLEX

Pinamunuan ni Bennie Boatwright ang opensa ng San Miguel Beermen (SMB) matapos magbandera ng 41 puntos sa kanyang pagbabalik sa PBA S50 Commissioner's Cup upang idiskaril ang NLEX, 98-94, sa Ynares Center noong ika-19 ng Abril.

Sa pagtungtong sa pinakakritikal na sandali, tinibag ni Boatwright ang 94-all deadlock sa nalalabing 32.6 segundo sa bisa ng clutch dunk na naghudyat upang masungkit ang 96-94 na pag-abante at angkinin ang panalo para sa Beermen.

"It's good to be back home. I appreciate Coach [Leo] and everybody bringing me back in to be San Miguel's import. I'm just excited to keep playing with the guys," pahayag ni Boatwright ayon sa ABS-CBN.

Sa opening period, habang hawak ng NLEX ang manibela, hindi nagpatinag ang San Miguel import matapos magpatala ng impresibong 15 puntos sa 5-of-11 shooting.

Nagpatuloy ang ratsada ni Boatwright sa ikalawang kwarter sa bisa ng mga two-pointers at treys upang magtala ng kabuuang 25 puntos sa halftime at limitahan ang NLEX 17 puntos lamang.

Umarangkada muli si Boatwright matapos mag-ukit ng back-to-back four-pointers sa pagbubukas ng ikatlong yugto, para selyuhan ang 14-0 run ng SMB na nagpalobo sa kalamangan, 64-52.

Sa kabilang banda, pinangunahan ni NLEX import Cady Lalanne matapos itulak nito ang Road Warriors sa 12-2 run upang tapyasin ang bentahe ng San Miguel sa dalawa, 87-85, gamit ang solidong two-handed tomahawk.

Umariba si Lalanne sa ika-3:37 ng laban matapos maipasok ang isang krusyal na treys upang maitabla ang talaan, 89-all, bago maipasok muli ang isang three-pointer na nagmitsa upang ikartada ang 94-92 upper hand.

Ngunit hindi napurnada ang SMB matapos ang game-tying free-throws ni Boatwright at isang dagger lay-up ni CJ Perez sa late-game upang masungkit ang panalo.

Bunsod nito, matagumpay na winakasan ng SMB ang kanilang two-game losing-streak at ibinalandra ang koponan sa 4-4 record.

Iginiya naman ni Lalanne sa isang losing effort ang NLEX gamit ang kanyang double-double performance, 35 puntos, 12 rebounds, at isang block.

Inaasahang makakalaban ng San Miguel ang koponan ng Blackwater Bossing ngayong darating na Miyerkules sa Ninoy Aquino Stadium.

F

Written by Florenz Gie Abit, Insight PH

Florenz Gie Abit, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles