ISPORTS | Aurora PH, nilamukos ang Team Spirit; M7 Knockout stage ticket, sinakmal

R

Rhan Quinnet G. Saloma, Insight PH

Author

2 min readJanuary 17, 2026
ISPORTS | Aurora PH, nilamukos ang Team Spirit; M7 Knockout stage ticket, sinakmal

Winalis ng Aurora Gaming PH ang Team Spirit sa Day 5 Swiss stage ng M7 World Championship para makopo ang decisive 2-0 panalo at masiguro ang knockout stage berth kagabi sa Jakarta, Indonesia.

Nanatiling madulas ang RORA upang mahigitan ang kanilang naduhaging M6 World Championship run noong nakaraang taon.

Naging maalat man ang panimula ng RORA nang manduhan ng Team Spirit ang gold lane at jungle objectives, bumalikwas naman si Edward 'Edward' Dapadap sa kaniyang Sora sa 19-minute Lord clash dahilan upang mapatumba ang Claude ni Anton 'Hiko' Pak.

Napasakanila ng Team Spirit ang Lord objective, subalit muling bumawi ang RORA nang pumitas ang Harith ni Dominic 'Domengkite' Del Mundo ng double kill para sa full wipeout trade.

Tuluyang pinataob ng RORA ang Game 1 nang pumasada sila sa midlane tungo sa base ng Team Spirit at ipiniid ang laban.

Sumunod ang Game 2 na nakaayon sa RORA ang upperhand matapos ang 1-for-4 trade sa 5-minute turtle fight.

Gayunpaman, naibawi ni Alexander 'Oneshot' Sharkov ang Team Spirit sa kaniyang 10-minute Lord steal gamit ang Spatial Migration at Energy Ball combo ni Guinevere.

Sa kasamaang palad, hindi ito naging sapat para ipawalang-bisa ang momentum ng RORA na nagsanhi ng pag-ani ng Granger ni Domengkite ng double kill kahit na sinubukan ng Team Spirit na patumbahin ang bottomlane inhibitor turret.

Sa pamamagitan ng conceal at shortcut ultimate ng Chip ni Dylan 'Light' Catipon, tinuldukan ng Aurora PH ang laban.

Tutumbok ang Aurora Gaming PH sa gaganaping Knockout stage ngayong Enero 18-24 sa parehong bulwagan.

R

Written by Rhan Quinnet G. Saloma, Insight PH

Rhan Quinnet G. Saloma, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles