Sinukbit ng Team Liquid Philippines (TLPH) ang kampanyang 2-0 sweep matapos pabagsakin ang Twisted Minds (TWIS) PH upang madepensahan ang titulo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 17 noong ika-28 ng Marso sa Victoria Sports Tower, Quezon City.
Umibabaw ang TLPH sa early-mid game upang maka-focus sa objective control.
Bunsod nito, bumwelta ang Liquid sa late game matapos makuha ang Lord para matulak ang Twisted Minds top turret dahilan ng pagkapanalo.
Nagpakitang-gilas ang Roamer player na si Jaypee Cruz matapos kontrolin ang mapa gamit ang Hylos upang masungkit ang 1/0/9 Kill-Death-Assist (KDA).
Nagpamalas ng agresibong simula ang Substitute player na si Daiki.
Samantala, rumatsada si Sanford kasama si CarlTzy sa pagpitas ng kilss upang mapagharian ang laro kung saan sinubukan pang bumawi ng Twisted Minds ngunit, hindi na nakayanan.
Namitwin si Sanford Vinuya gamit ang Sora dahil sa pagdadala ng triple-kill sa 13 min mark bunsod ng 7/3/6 KDA at masungkit ang kabuuang panalo.
Nagkaproblema ang TLPH, dahil hindi nakalaro ang import na si Sultan "Aeronnshikii" Muhammad dahil sa pending administrative requirements nito.
Kaya ipinalit si Kim “Daiki” Sebanes kung saan siya’y nakapagdala ng malaking ambag sa grupo
“Okay naman ‘yung naging performance ko kasi kasama ko naman ay mga kilalang players, mga world champions, at international caliber kaya hindi rin ako na-pressure,” saad ni Sebanes
“Hindi kasi ako naka-practice, isang araw lang talaga. Kaya siguro sa bonding na lang [sa kanila] ako kumuha ng motivation.” dagdag pa nito
Dahil sa panalong ito matatag na nakatayo sa tuktok ng standings ang TLPH matapos talunin ang World Reigning Champion, Aurora Gaming PH kasama ang AP Bren na may 2-0 ring rate.
Inaasahang makakaharap ng TLPH ang AP Bren bukas, upang mapanatili ang unbeaten title at mapatatag ang pwesto sa titulo.
Written by Yahney Sabado, Insight PH
Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



