ICYMI | Terrafirma, umariba sa second-half kontra Titan Ultra; PBA Commissioner’s Cup kampanya, sinimulan

F

Florenz Gie Abit, Insight PH

Author

2 min readApril 5, 2026
ICYMI | Terrafirma, umariba sa second-half kontra Titan Ultra; PBA Commissioner’s Cup kampanya, sinimulan

Humarurot ang Terrafirma Dyip matapos bumuo ng third-to-fourth quarter burst kontra Titan Ultra, 112-82, para mabuksan ang paglahok sa PBA 50 Commissioner’s Cup sa Ninoy Aquino Stadium, Manila noong ika-11 ng Marso.

Namayagpag sina Merrick Ahanmisi at ang import na si Ali Mubashar nang pumasada ang Dyip ng 89-62 na pag-alagwa na nagsilbing krusyal na yugto upang maipundar ang all-around na dominasyon.

“I think we showed our intent a lot [today]. We want to have fun, enjoy and play with each other. Hopefully, we can carry this momentum in the next games,” pahayag ni Ahanmisi.

Matapos maglatag ng 26-23 na kalamangan sa pagtatapos ng unang kwarter, nagpatuloy ang pagratsada ng Dyip nang maikartada ang 52-40 na bentahe sa halftime dahil sa mahinang defensive plays ng Titan.

Naipundar ni Ahanmisi ang 17 puntos mula sa kaniyang 26 puntos na sa third period na nagbigay daan upang tuluyang lumubo ang bentahe ng Terrafirma at mailatag ang 89-62 upper-hand.

Hindi na muli pang lumingon ang Terrafirma matapos iparada ang kanilang pinakamalaking kartada na 89-66 sa nalalabing siyam na minuto sa huling kwarter, bitbit ang 30 puntos na kalamangan.

Sa kabilang dako, napanatiling dikit ng Giant Risers ang laban sa first half matapos mag poste ng 38-35 score dahil sa layup ni Michael Gilmore sa midway ng second quarter.

Ngunit, hindi kayang umarangkada ng Titan Ultra matapos napurnada sa coordinated plays ng kalaban sa ikatlo-hanggang-ikaapat na canto upang maiselyuhan ng Terrafirma ang panalo.

Iginiya ni Gilmore ang Giant Risers sa isang losing effort sa pamamagitan ng 33 puntos at 13 boards na sinahugan ni Joshua Monson ng kaniyang 32 puntos.

Samantala, sumandal ang Terrafirma kay Mubashar matapos humarabas ng double-doubles sa kanyang debut game ng 27 puntos at 11 rebounds, habang si Joseph Eriobu naman ay umariba ng career high output na 17 markers.

Susunod na haharapin ng Terrafirma ang Converge FiberXers sa ika-14 ng Marso sa Ynares Center.

F

Written by Florenz Gie Abit, Insight PH

Florenz Gie Abit, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles