ICYMI | ONIC PH, niragasa ang OMG sa early lead para sa 3-match win streak

J

John Carl R. Zuniega, Insight PH

Author

3 min readApril 19, 2026
ICYMI | ONIC PH, niragasa ang OMG sa early lead para sa 3-match win streak

Nilubog ng ONIC Philippines ang Barangay Smart Omega (OMG) matapos rumatsada sa early aggression upang irehistro ang 2-0 (19-6, 16-4) pagbaon sa Match 2 ng MPL PH Season 17 Week 4 sa Victoria Sports Tower noong Abril 16.

Ginulantang ng Onic PH ang OMG sa pangsorpresang last picks sa draft ng una at ikalawang laro na nagresulta para angkinin momentum ng serye.

Kumana ng 29 combined assist ang match MVP na si Borris James "Brusko" Parro sa bisa ng crucial controls sa dalawang Kalea pick upang maitala ang ikatlong sunod-sunod na panalo sa 4-2 rekord.

"Siguro yung laban naman sa TNC [ang nakatulong sa win streak] tsaka yung mga pangit na results sa scrims," ani Brusko.

Sumibol na ang last pick Nolan ni King Cyric "K1NGKONG" Perez kasama ang Kalea ni Brusko sa farm ng OMG sa 45 segundo pa lamang ng bakbakan para parusahan ang Baxia jungle ni Dean Christian "Raizen" Sumagui.

Matapos makabuwelo sa three-for-one exchange sa early game, bumirada ng solo kill sa top ang Indonesian import na si Clayton Adrielo "Savero" Kuswanto kontra kay Kenneth Sablande "Netskie" Barro ng OMG para sa 7-2 na kalamangan.

Samantala, rumatsada ang ONIC Monster Mage na si Frince Miguel "Super Frince" Ramirez matapos ikahon ang tatlong Omega sa tulong ng hatak ni Brusko sa clash na nagresulta sa triple kill nito, 10-4.

Pagpatak ng ika-siyam na minuto, bumuwelta ng counter engage si K1NGKONG sa likod para yurakan ang Pharsa at Lapu-Lapu ng naghihingalong OMG matapos ang 4 vs 5 clash sa bottom map na nakonberte 15-6 kalamangan at pagkuha ng Lord dahilan upang matapos ang unang game sa 11:31 minuto.

Sinubukan ng Omega na bumangon para sa ikalawang laro nang mabaon sila sa fast-paced Game 1, matapos i-ban out ang tatlong hero ng Onic PH.

Kung gaano kabilis ang naunang laro, kabaliktaran naman nito ang sumunod.

Umabot ng 19 minuto ang pagpupumiglas ng Omega ngunit nabigo sa debut pick ng ONIC gamit ang Clint ni Savero at Valir ni Super Frince na nagpawalang bisa sa second pick Valentina EXP ni James "Jeymz" Gloria.

Gayunpaman, nabalanse ng ng OMG ang sagupaan matapos ang crossmap play at turtle slain ni Raizen sa ika-limang minuto gamit ang hero na Harley.

Ngunit, agad na kinubra ito ng Onic PH matapos ang unli crowd control ng Valir ni Super Frince at ang hagupit ng hatak ni Brusko para sa 5-2 kalamangan at 2-for-none and Turtle kill sa ika-pitong minuto ng game 2.

Humarabas na ang superfam sa puntong ito nang makapag-item na ang Clint ni Savero nagresulta upang malikom ang mga una at ikalawang tore ng OMG sa top hanggang bottom.

Sinubukan pang dumepensa ng Harley sa backing matapos subukang dispatsahin ang Valir ni Super Frince sa ika-15 minuto ngunit napabagal lamang nito ang kanilang pagkahulog.

Kinambiyo ni Brusko ang sagupaan matapos ang tower dive play sa 18:40 minuto sa 7k gold lead na kalamangan, na tuluyang nagtapos sa 16-4 iskor sa ika-19 na minuto ng laro.

Ito na ang ikatlong sunod na match na panalo ng ONIC PH kasama ang bagong import na si Savero na pumalit sa Gold Standard na si Grant Duane "Kelra" Pillas.

Tumikada ng 7-0-7 KDA ang Clint pick ni Savero na tinawag niyang "inspired by Kelra."

Babagtasin ng ONIC PH ang walang talong Team Liquid PH na mayroong 6–0 rekord ngayong Linggo habang maghaharap ang defending champion Aurora at ang 5th seed AP Bren.

Humirit pa ng “I am the pressure” si Savero para sa laban ng TLPH ngayong April 19 matapos ilagay sa Top 2 list si Dave “Teddy” Viaña ng TLPH sa ranking ng gold laners.

J

Written by John Carl R. Zuniega, Insight PH

John Carl R. Zuniega, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles