Umalagwa si Ernest John ‘EJ’ Obiena matapos magpasiklab ng mahusay na vaults upang maibagahe ang ika-siyam na pwesto sa World Athletics Indoor Championships men's pole vault sa Torun, Poland noong ika-21 ng Marso.
Naungusan ng Pinoy Olympic athlete ang 5.50 meters at nagtarak ng bagong 5.70m, subalit humantong sa tatlong pagkakasunod na errors sa 5.85m na naging bunga ng kanyang talo.
Nagposte si Obiena sa joint-ninth place kasama si Christopher Nilsen na may parehong resulta.
Ibinahagi ng Filipino star na malayo pa siya sa dati niyang anyo, ngunit para sa kanya, isa itong hakbang patungong tagumpay.
“I’m still a long way from my old form, but qualifying here is a step forward,”ka saad ni Obiena.
Dagdag pa niya na unti-unti pa rin niyang binabalik ang kanyang anyo, at handa siyang umakyat muli, kahit pa kailangan niyang gumapang para makabalik sa tuktok.
“Inch by inch, I’m building back. If I have to crawl my way to the top again, I will.” dagdag pa nito,” ani Obiena.
Sa kabilang dako, tumalon sa taas na 6.25m si Mondo Duplantis upang maisungkit ang ika-apat na indoor na titulo, ilang araw matapos itinala ang kanyang ika-15 world record na 6.31m sa Mondo Classic.
Nakamit naman ni Emmanouil Karalis ng Greece ang pilak matapos tumalon ng 6.05m, habang isinikwat ni Kurtis Marschall ng Australia ang tanso matapos itinarak ang 6.00m na output.
Inaasahan na magpapatuloy sa pagsabak si Obiena sa World Athletics Continental Tour sa April.
Written by Yahney Sabado, Insight PH
Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



