Sinibak ng Hyve International sa pwesto ang defending champion AG Global ng Malaysia, gamit ang isang matikas na 2-0 sweep upang maibulsa ang kauna-unahang titulo ng Pilipinas sa Honor of Kings (HOK) Series 3 sa GBK Basketball Hall ng Jakarta, Indonesia, Pebrero 7.
Pinatatag ng Hyve ang kanilang pwesto gamit ang taktikang maingat na rotations, kontrol sa objectives, at matinding depensa laban sa agresibong estilo ng AG Global upang maselyuhan ang kampeonato.
"Sobrang saya po namin and to be honest, kahit hindi po kami ‘yung matagal nang naglalaro as a team, confident po kami na kakayanin po namin ‘yung AG Global,” ani Doble, MVP player sa naturang torneo. “Lahat po kami. Sobrang saya po namin kasi AG Global has been undefeated since the first women's series.”
Matagumpay na nalampasan ng Hyve ang 33 kalaban sa ikatlong edisyon ng torneo upang sa wakas ay maiangat ang tropeo sa isang internasyonal na laro.
"I think our win will definitely change in the women’s scene, especially in the Philippines. I believe that there are a lot of Filipinos who are very competitive. As an all Filipino squad, we all know how competitive the players are and they want to change and grow and get the experience,” pahayag ni Ching.
Aariba muli ang Hyve All Star upang ipagtanggol ang kanilang korona ng dalawang beses pa ngayong 2026 sa Honor of Kings World Cup 2026 sa Agosto at sa Honor of Kings International Championship sa Disyembre.
Written by Yahney Sabado, Insight PH
Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



