Sa panahon ngayon, may bagong anyo ng pressure na halos hindi natin nare-recognize dahil sobrang normal na: ‘yung pakiramdam na kailangan mong i-post, i-prove, i-update, at i-perform ang relasyon mo para lang masabing “legit” ito. Parang hindi sapat ang pagmamahal kapag hindi nakikita ng iba. Sabihin man o hindi, parang may invisible checklist na kailangan mong sundin para maging “tamang ka-relasyon”.
Love as a Requirement, Not a Choice
“Bakit hindi mo ako pinopost?”
“Ayaw mo bang malaman ng iba na tayo?”
“Bakit puro friends mo lang ang nasa feed mo?”
Unti-unting naging validation ang visibility. Kapag wala kang post, ibig sabihin may tinatago ka. Kapag naman hindi mo na-hard launch, hindi ka proud o baka hindi totoong mahal. At minsan, kahit ayaw mo mag-post, kahit gusto mo sana ng privacy parang kailangan mo pa ring sumabay kasi sa social media culture, love feels incomplete kapag walang audience.
The 24/7 Pressure
Simula sa pressure ng pagiging “present” nang 24/7, unti-unting nagbabago ang dynamics ng relasyon. Hindi na sapat ang simpleng 'good morning’ at ‘kumain ka na.’ May invisible standards na pati sa oras ng pag-reply, tono ng mensahe, dami ng updates, at consistency ng communication. Kailangan mabilis mag-reply, kailangan engaging, kailangan may emoji, sticker, meme, o voice note para lang masabing “effort.” At sa bawat saglit na hindi ka online, nagkakaroon ng multo ng pagdududa na baka lumalamig, baka may iba, baka nagsasawa na. Ang natural na fluctuation ng energy, mood, o schedule na dapat normal lang naman ay nagiging “sign” na may problema, kahit wala naman talaga. Unti-unti, communication becomes curated, we craft replies not out of pure feeling, but out of fear of being misunderstood or judged.
Highlights and Reels Effect
Habang tuloy-tuloy ang scroll natin sa feed, napapaligiran tayo ng mga “perfect couples” na mayroong curated moments, cinematic dates, at anniversary tributes na parang trailer ng pelikula, at kahit alam nating lahat na ang maganda lang ang pinapakita, mahirap pa ring hindi maapektuhan. Sa social media culture, ang relasyon ay hindi lang between two people, kundi between two people and the entire audience watching. Bigla kang mapapaisip: sapat pa ba ’yung sa amin? Dapat ba kaming mag-travel? Dapat ba may matching outfits? Dapat ba mas aesthetic ang photos namin? Sa bawat paghahambing, unti-unting nasisira ang sense of kung ano ang totoo at sapat.
Sa ilalim ng lahat ng ito, may mas malalim na anxiety: ang takot na mapagkamalang “less loving.” Dahil sa kultura ng instant messaging, parang naging universal rule na ang tunay na pag-ibig ay dapat laging available. Sa sobrang bilis ng mundo online, nakakalimutan nating ang tunay na relasyon ay walang required screen time at walang obligasyon na maging hyper-present. Nakakalito tuloy kung ano ba talaga ang love language mo, ‘yung natural sa’yo, o ‘yung nakikita mong ginagawa ng ibang couples sa TikTok?
Written by Czevie Sigue, Insight PH
Czevie Sigue, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



