BALITA | WALANG TAKOT KAHIT KANINO Pantay na karapatan, patuloy na ipinaglalaban sa WAR Show Feb Fair 2026

M

Maria Lourhyz Ebasco, Insight PH

Author

3 min readFebruary 12, 2026
BALITA | WALANG TAKOT KAHIT KANINO Pantay na karapatan, patuloy na ipinaglalaban sa WAR Show Feb Fair 2026

Umalingawngaw ang panawagan ng WAR (Women Against Repression) Show sa ikalawang araw ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB) February Fair 2026 para sa makatarungan at pantay na pagtrato sa mga kababaihan, kabataan, at miyembro ng LGBTGIA+ Community bilang paglaban sa pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan.

Pinangunahan ito ni Jhezarie Ybarrita, isang women’s right advocate at mag-aaral sa UPLB, na matapang na nakikibaka para sa karapatan ng mga Pilipino.

Kabilang sa adbokasiya ng WAR Show ang paglaban sa pang-aabuso, pasismo, korapsyon, gender equality, at ‘ghost’ flood control projects sa bansa.

SOGIE Bill, huwag hayaang nakatengga

Iginiit din ni Ybaritta na dapat nang ipasa sa kongreso ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression Equality (SOGIE) Bill sa kadahilanang matagal na itong nakatengga at hindi pa natatamasa ng sangkabaklaan ang kalayaang matagal na nilang inaasam.

Aniya, patuloy pa ring ipinagkakait sa kanila ang mga karapatan sa pag-aalaga ng kalusugan, trabaho, at maging ang ‘di matapos-tapos na diskriminasyon.

“Dapat natatamasa rin ng mga LGBTQIA+ ang basic rights na tinatamasa ng mga mamamayan sa Pilipinas,” pagbibigay-diin pa niya.

Kabilang din sa natalakay ang isyu sa healthcare services sa mga miyembro ng LGBTQIA+ kung saan hindi kinikilala bilang mag-asawa ang dalawang taong may magkaparehong kasarian.

“May mga cases na hindi pinayagan yung kinakasama mo ang mag-alaga sa’yo kung hindi aprubado ng estado na mag-asawa kayo,” ani Ybaritta.

Kaugnay nito, napag-usapan naman ang isyu tungkol kay Nic Chien, anak ni Lea Salonga, na matatandaang unang naglantad bilang trans at ngayon ay isa nang bisexual.

Nilinaw niya na ‘fluid’ ang kasarian nito at hindi ang ibang tao ang magdedesisyon sa kung ano ang nararamdaman at gusto nitong ipahayag sa ibang tao.

Tibagin na ang korapsyon

Bukod sa pantay na pagtrato sa LGBTQIA+ Community, ipinaglaban din ni Ybarrita ang pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Paliwanag pa ni Ybarrita, dapat na napupunta sa basic social services ang pondo ng bansa, hindi sa mga walang kwentang flood control projects at tinawag na ‘hari at reyna ng korapsyon’ sila Marcos at Duterte.

“Sa hinaba-haba ng panunungkulan nila dito sa Pilipinas ay napatunayan na sila ay berdugo at mapanupil sa mga mamamayan na lumalaban at lalong-lalo na sa mga kabataan na tunay na boses ng masang anak-pawis,” matapang na pahayag niya.

Hinihiling din ng mag-aaral ng UPLB na marinig at mapagtanto ng kabataan na ang boses nila ang magiging susi ng tagumpay sa pagpapabagsak sa mga kurakot sa bansa.

Abante tungo sa tagumpay

Hinikayat naman ni Ybarrita na sumali sa mga makamasang organisasyon gaya ng Gabriela Youth Partylist-UPLB na nagsusulong ng karapatan ng mga bata, bakla, at bayan.

Dagdag pa niya, dito matututunan kung gaano kabulok ang estadong kinabibilangan natin at kung paano makatutulong sa pagpapabagsak nito.

“Sa kolektibong kilos, makukuha natin ang tagumpay at ganap na paglaya,” panapos na pahayag ni Ybarrita.

Samantala, sinigurado ng mga tagapamahala ng naturang event na ang mga speakers at artist na kinuha para sa WAR Show 2026 ay mabusising sinala at kilala bilang mga tunay na tagapagsulong ng karapatan ng kababaihan sa kongreso.

M

Written by Maria Lourhyz Ebasco, Insight PH

Maria Lourhyz Ebasco, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles