Pumapalo sa 500 tawag kada araw ang natatanggap ng 911 emergency hotline kaugnay sa Violence Against Women and Children (VAWC) batay sa tala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Emergency 911 National Office Executive Director, Francis Fajardo sa DILH Kapihan forum, umangat na sa 98% ang efficiency ng paghawak ng tawag ng sistema.
“As of last year, we have yearly recorded calls. Ang natatanggap natin dyan, almost 5,000 cases before the launching. Medyo mababa pa ‘yan, we observed,” ani Fajardo.
“But ngayon talagang tumaas na ang mga tawag na ‘yan. In one year, nasa 5,000. Monthly, siguro approximately 500 ngayon, from January to December. Iyan ang mga latest data natin,” dagdag niya pa.
Aniya, umaabot sa humigit-kumulang 30,000 emergency calls araw-araw ang natatanggap ng hotline sa buong bansa para sa iba’t ibang pangangailangan.
Gayunpaman, inihayag niya na ang mga kasong may aktibong pisikal na karahasan ay agad inirerefer sa pulisya para sa agarang pagresponde, habang ang di-urgent na kaso ay maaaring i-endorso sa barangay VAWC desks.
Sinuportahan ito ng National Barangay Operations Office (NBOO) ng DILG at sinabing halos lahat ng barangay sa bansa ay may functional na VAWC desks.
Saad naman ni Lovesita Daumar, assistant division chief ng NBOO, 97% o 40,831 barangay ay nakatugon sa limang indicators para sa VAWC desks.
“Installed po dito yung barangay VAWC officer natin and they should be trained so that they know what to do because they will provide the initial response para doon sa mga victims ng violence against women and children,” sambit ni Daumar.
Idiniin niya ring ang mga VAWC desk officers ay na-train na at kwalipikado sa mha kakayahang kinakailangan, at handa rin daw sila makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP).
Samantala, isinagawa ang forum bago sumapit ang nalalapit na National Women's Month sa buwan ng Marso.
Written by Francis Owen Romano, Insight PH
Francis Owen Romano, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



