BALITA | Trump: US, papatakbuhin ang Venezuela; Pangulo nito, dinakip

F

Francis Owen Romano, Insight PH

Author

5 min readJanuary 4, 2026
BALITA | Trump: US, papatakbuhin ang Venezuela; Pangulo nito, dinakip

Tahasang inamin ni Pangulong Donald Trump na pamamahalaan ng Estados Unidos ang Venezuela at kokontrolin ang malalawak nitong reserba ng langis matapos maglunsad ng malawakang opensibang militar sa bansa.

‎‎Kinumpirma naman ng Pentagon na nadakip si Venezuela President, Nicolás Maduro kasama ang kanyang asawa kasabay ng pagbomba sa Caracas ng walang putukan at walang nasawing sundalo sa operasyon.

‎Isinagawa ang opensiba nitong ika-tatlo ng Enero ng madaling-araw sa Caracas kung saan nagsagawa ng sunod-sunod na airstrike ang puwersang militar ng US habang pinasok ng special forces ang lokasyon ni Maduro.

Sa isang pahayag mula sa Mar-a-Lago briefing, sinabi ni Trump na mananatili ang Estados Unidos sa Venezuela hangga’t hindi natitiyak ang maayos na transisyon ng kapangyarihan.

‎

‎“We’re there now, but we’re going to stay until such time as the proper transition can take place,” ani Trump, sabay giit na hindi natatakot ang US na mag-deploy ng kaanib sa bansa kung kinakailangan.

Gayunpaman, idiin niyang maisasayos ng mga kompanya ng langis ng US ang mga sirang imprastruktura sa Venezuela at simulang kumita sa bansa nito.

‎"We're going to have our very large United States oil companies, the biggest anywhere in the world, go in, spend billions of dollars, fix the badly broken infrastructure, the oil infrastructure, and start making money for the country," ani Trump sa isang news conference.

‎‎

‎Lumabas din sa pahayag ng Pangulo na hindi niya sinusuportahan ang agarang pag-upo sa puwesto ng oposisyon, sa kabila ng panawagan ng ilang lider laban kay Maduro.

‎

‎Sa halip, sinabi niyang bukas siyang makipagtrabaho sa kasalukuyang Bise Presidente ng Venezuela na si Delcy Rodríguez, aniya “essentially willing to do what we think is necessary to make Venezuela great again,”

‎

‎Samantala, mabilis na kumalat ang pangamba sa Venezuela matapos makaranas ng malawakang blackout, pagsabog, at presensiya ng mga sundalo sa lansangan.

‎

‎Hanggang sa mga oras matapos ang pag-atake, wala pang inilalabas na opisyal na ulat ukol sa bilang ng mga sibilyang nasawi o napinsalang gusali.

‎

‎Layunin ni Trump

‎

‎Hindi malinaw kung paano eksaktong balak ng Estados Unidos na “patakbuhin” ang Venezuela, ngunit sinabi ng Pangulo na ito ay pamumunuan ng isang grupo ng mga tao.

‎

‎“We're going to be running it with a group, and we're going to make sure it's run properly,” saad ni Trump.

‎

‎“We are going to run the country until we can do a safe, proper and judicious transition,” dagdag niya.

‎

‎Nang tanungin kung sino sa loob ng Venezuela ang bahagi ng grupong iyon, sinagot ni Trump na nakikipag-usap na si Secretary of State Marco Rubio kay Delcy Rodríguez, Bise Presidente ng Venezuela.

‎

‎Ayon kay pa kay Trump, ipinahayag ni Rodríguez ang kanyang kahandaang gawin ang anumang hihilingin ng Estados Unidos.

‎

‎Operasyong Militar

‎

‎Ayon sa pinakamataas na opisyal ng militar ng US, mahigit 150 sasakyang panghimpapawid ang lumahok sa operasyon, kabilang ang mga fighter jet, bomber, at helicopter.

‎

‎Tinarget ng airstrike ang isang pangunahing base militar at airbase malapit sa Caracas bilang bahagi ng “shock and awe” strategy ng opensiba.

‎

‎Reaksyon ng Oposisyon

‎

‎Ipinahayag ng Venezuela opposition leader na si Maria Corina Machado, na ginawaran ng Nobel Peace Prize noong nakaraang taon, na “the hour of freedom has arrived.”

‎

‎Hinimok niya si Edmundo González Urrutia na agad umupo bilang Commander in Chief of the National Armed Forces, subalit malamig ang naging tugon ni Trump sa naturang panawagan.

‎

‎“I think it would be very tough for her to be the leader. She doesn't have the support within or the respect within the country,“ komento ni Trump.

‎

‎Legal na Isyu

‎

‎Sa Estados Unidos, ilang mambabatas ang agad nagtanong sa legalidad ng opensiba dahil hindi ito dumaan sa pag-apruba ng Kongreso.

‎

‎Gayunman, iginiit ng Speaker ng Kamara na si Mike Johnson na ang operasyon ay “decisive and justified” batay sa pambansang interes at seguridad ng Amerika.

‎

‎Sa kabilang banda, tinitiyak naman ni Trump na maayos niyang papatakbuhin ang bansa hanggang sa maipatupad nila ang isang ligtas, maayos, at makatarungang transisyon na hanggang sa ngayon ay wala pa ring solido at espesipikong detalye kung paano.

‎

‎Pandaigdigang Tindig

‎

‎Mariing kinondena ng China ang operasyon at tinawag itong paglabag sa soberanya ng Venezuela.

‎

‎Nagbabala rin ang France na hindi maaaring ipilit mula sa labas ang solusyon sa krisis.

‎

‎Habang sinabi ni United Nation Secretary-General António Guterres na siya ay “deeply concerned that the rules of international law have not been respected,”

‎Narito pa ang listahan ng mga bansang nag-react sa isyu.

‎Sumalungat sa proseso:

‎China – Chinese Foreign Ministry

‎Russia – Russian Foreign Ministry

‎Brazil – President Luiz Inácio Lula da Silva

‎Iran – Iranian Foreign Ministry

‎Belarus – President Alexander Lukashenko

‎European Commission – President Ursula von der Leyen (nanawagan ng respeto sa batas internasyonal)

‎Norway – Foreign Minister Espen Barth Eide

‎Slovakia – Prime Minister Robert Fico

‎

‎Nagpahayag ng pangamba o nanawagan ng diplomatikong solusyon:

‎France – President Emmanuel Macron

‎Spain – Prime Minister Pedro Sánchez

‎United Kingdom – Prime Minister Keir Starmer

‎Canada – Foreign Minister Anita Anand

‎Panama – President José Raúl Mulino

‎Peru – Foreign Ministry

‎Uruguay – Foreign Ministry

‎Chile – President Gabriel Boric

‎Colombia – President Gustavo Petro

‎Ecuador – President Daniel Noboa

‎Trinidad and Tobago – Prime Minister Kamla Persad-Bissessar

‎Ukraine – Foreign Minister Andrii Sybiha

‎Denmark – Prime Minister Mette Frederiksen

‎Czech Republic – Foreign Minister Petr Macinka

‎Sumuporta sa aksyon laban sa rehimen:

‎Argentina – President Javier Milei

‎

F

Written by Francis Owen Romano, Insight PH

Francis Owen Romano, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles