BALITA | Taxi, jeepney drivers, umalma sa P1,500 fuel subsidy; pangakong P5,000 na ayuda, kinuwestiyon

D

Doreen P. Cabildo, Insight PH

Author

2 min readApril 21, 2026
BALITA | Taxi, jeepney drivers, umalma sa P1,500 fuel subsidy; pangakong P5,000 na ayuda, kinuwestiyon

Nagreklamo ang ilang taxi at jeepney drivers sa Cagayan de Oro City matapos umano silang makatanggap ng ₱1,500 bilang fuel subsidy, taliwas sa inaasahang ayuda na ₱5,000.

Nagtungo ang mga drayber at operator sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board-10 (LTFRB-10) noong Lunes ng umaga, ika-20 ng Abril, upang maghain ng reklamo at humingi ng paglilinaw ukol sa naturang ayuda.

Sinabi ni Bernie Jamaca, Pangulo ng Cagayan de Oro First Taxi Drivers Alliance (CAFIDATA), na karamihan sa mga driver ay nadismaya at nalito, at may ilan pang nag-isip na nabawasan o nagalaw ang kanilang pondo.

Pahayag pa niya, mas mainam umano kung cash na lamang ibibigay ang ayuda upang maging malinaw kung magkano talaga ang matatanggap ng bawat driver, lalo na’t inaasahan nilang susundin ang naunang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ₱5,000 ang subsidy.

Ipinaliwanag naman ni Joel Gabatan, Pangulo ng United Drivers Association (UNIDA), na may ilang jeepney drivers ang umaasang makakatanggap ng kabuuang ₱11,500 na ayuda—₱5,000 mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at ₱6,500 bilang fuel subsidy.

Aniya, ₱6,500 lamang ang natatanggap ng mga driver—₱5,000 mula sa AICS at ₱1,500 bilang fuel subsidy—kaya nagdulot ito ng kalituhan, lalo na sa mga nag-aakalang dalawang driver ang maaaring makatanggap sa isang benepisyo.

Samantala, sinigurado ni Aljo Bendijo, Regional Director ng LTFRB-10, na agad nilang ipararating sa central office ang mga hinaing ng mga driver upang maresolba ang isyu.

Kinumpirma rin niya na ang nakatakdang fuel subsidy para sa mga taxi driver ay ₱5,000.

“Ang pakiusap ko lang na kung maari huwag muna galawin ang 1,500 ayaw sa gastusa then i-screenshot ang notification from Gcash para ma rectify kung ano man ang problema. Within this week kung kaya mo makausap ang central office para maibigay na ang full na 5k na sa kanila this week,” ani Bendijo

Hinikayat naman ng LTFRB-10 ang mga driver na nakararanas ng problema sa e-wallet payouts na direktang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa agarang tulong at gabay.

D

Written by Doreen P. Cabildo, Insight PH

Doreen P. Cabildo, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles