Bahagyang bumagsak sa 35% mula 37% ang self-rated poverty sa mga pamilyang Pilipino bago ang global oil price shock na kaugnay ng kasalukuyang tensyon sa Middle East, ayon sa survey ng OCTA Research na inilabas noong Miyerkules.
Batay sa Tugon ng Masa survey na isinagawa noong Marso 19 hanggang 25, 2025 at inilabas sa unang quarter ng 2026, tinatayang 9.2 milyong pamilya ang nagdeklara ng kanilang sarili bilang mahirap, mas mababa kumpara sa 9.8 milyon noong Disyembre 2025.
“While this suggests that roughly 600,000 fewer families considered themselves poor during the quarter, the difference is not statistically significant and remains within the survey’s margin of error, indicating that overall poverty conditions remained broadly stable,“ linaw ng OCTA.
Sa parehong survey, 24% ang nagsabing hindi sila mahirap, habang 41% ang hindi matukoy ang kanilang kalagayan.
Nananatiling pinakamataas ang self-rated poverty sa Mindanao (56%), kasunod ang Visayas (44%).
“Taken together, the slight national decline in self-rated poverty may suggest a modest improvement in overall economic conditions,” ayon sa OCTA. Iginiit nitong nananatiling hindi pantay ang pagbangon at marami pa ring pamilyang bulnerable.
Dagdag pa nito, “The persistently high poverty rates in Mindanao and among lower-income groups.”
Samantala, bahagyang tumaas ang food poverty sa 31% (8.1 milyong pamilya), habang ang self-rated hunger ay nasa 17% o 4.5 milyong pamilya.
Isinagawa ang non-commissioned survey sa 1,200 respondente na edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews, na may ±3% margin of error sa 95% confidence level.
Written by Francis Owen Romano, Insight PH
Francis Owen Romano, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



