BALITA | Rollback sa diesel, posibleng umabot sa P10.80 kada litro

G

Gian Russel Asuncion, Insight PH

Author

1 min readApril 12, 2026
BALITA | Rollback sa diesel, posibleng umabot sa P10.80 kada litro

Inaasahang magkakaroon ng malaking rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo, tinatayang nasa pagitan ng ₱8.80 hanggang ₱10.80 kada litro, ayon sa isang industry source nitong Biyernes.

Kasunod ito ng pagbaba ng global oil prices habang inaabangan ng merkado ang developments sa peace talks sa pagitan ng United States at Iran.

Matapos naman ang ilang linggo ng tensyon sa pandaigdigang merkado ng langis na nagdulot ng pagtaas sa presyo ng krudo, posibleng magkaroon ng pag-stabilize ng oil market dahil sa mga ulat ng ceasefire.

Dahil dito, ang inaasahang rollback ay maaring magdulot ng agarang kaginhawaan sa sektor ng transportasyon, lalo na sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Inaasahan din ang pagbaba ng arawang gastos sa krudo na maaring makatulong upang mapanatili o madagdagan ang kanilang kita sa kabila ng mababang pamasahe dahil sa mas murang diesel.

Gayunpaman, nagbabala ang mga local industry players na maaaring pansamantala lamang ang naturang pagbaba ng presyo, dahil nananatiling hindi tiyak ang katatagan ng kasunduan at ang galaw ng pandaigdigang suplay ng langis.

Patuloy pa rin ang pagmamasid ng mga eksperto sa galaw ng oil market sa gitna ng umiiral na geopolitical tensions at mga posibleng susunod na developments.

G

Written by Gian Russel Asuncion, Insight PH

Gian Russel Asuncion, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles