BALITA | Publiko, pinag-iingat sa banta ng air pollutants mula sa nasusunog na landfill sa Navotas

J

Jon Jedwin Pineda, Insight PH

Author

2 min readApril 14, 2026
BALITA | Publiko, pinag-iingat sa banta ng air pollutants mula sa nasusunog na landfill sa Navotas

Nagbabala ang Environmental Management Bureau–National Capital Region (EMB-NCR) sa publiko na mag-ingat laban sa pagkalat ng masamang air pollutants na dulot ng sunog sa Navotas City Sanitary Landfill.

Bagaman idineklara na ng Bureau of Fire Protection (BFP) na “fire under control” na ang sunog sa naturang landfill ngayong Linggo ay patuloy pa rin ang pagkalat ng usok sa mga kalapit na lungsod at probinsya.

Batay sa tala ng EMB-NCR, may ilang bahagi ng Quezon City na umakyat sa lebel na “Unhealthy to, very unhealthy” ang kalidad ng hangin na naitala sa lugar.

Inabisuhan naman ng BFP na magsuot ng N95 mask at limitahan ang paglabas ng mga “high-risk individuals” tulad ng mga bata, buntis, mga matatanda at mga indibidwal na may sakit sa baga at puso upang makaiwas sa masamang usok.

Lumikas na rin ang ilang mga residente mula sa Barangay Salambao sa Obando, Bulacan na namamalagi sa Municipal Hall at Obando National High School dahil sa kapal ng usok at banta sa kalusugan ng mga bata.

Sumiklab ang sunog bago mag alas-8 ng gabi noong Biyernes sa Barangay Tanza. Wala namang naitalang nasugatan sa insidente dahil ang landfill ay malayo sa mga komunidad.

Kinumpirmanaman ng Navotas City local government unit na hindi pag-aari ng pamahalaan ang landfill at hindi na ito operational mula pa noong Agosto 2025.

Samantala, patuloy pa rin na inaalam ng BFP ang naging sanhi ng pagsiklab ng sunog sa landfill.

J

Written by Jon Jedwin Pineda, Insight PH

Jon Jedwin Pineda, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles