BALITA | Pope Leo XIV, magiging bukas sa LGBTQ community

K

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Author

2 min readSeptember 2, 2025
BALITA | Pope Leo XIV, magiging bukas sa LGBTQ community
Ninais ni Pope Leo XIV na ipagpatuloy ang ‘Pope Francis approach’ na pagiging bukas sa mga miyembro ng LGBTQ community, matapos ang 30-minutong private audience kasama si Fr. James Martin, SJ ng Amerika noong ika-1 ng Setyembre sa Vatican City.

Saad ng pari, naging ‘warm, welcoming and relaxed’ daw ang naganap na private audience bago ang kaniyang paglahok sa isang pilgrimage kasama ang ilang miyembro ng LGBTQ bilang bahagi ng kanilang Jubilee celebration.

“The message I got from Pope Leo was that he intends to continue Pope Francis’s approach of openness to LGBTQ people,” ani Fr. Martin.

Dagdag pa niya, hindi niya raw nabanggit sa Santo Papa ang paksa—bagay na hindi niya pa napag-uusapan sa publiko magmula nang magsimula ang kaniyang papacy noong Mayo 8.

“But he spoke about his desire to continue Francis’s legacy, which also includes synodality. And synodality means listening to people, listening to everybody, including LGBTQ people,” pahayag ni Fr. Martin.

Samantala, matatandaang umani ng samu’t saring reaksyon ang dating Santo Papa noong 2023 dahil sa pagpayag na bigyan ng basbas ang mga same-sex couples.

Sa 12 taon ni Pope Francis, nanawagan siyang magkaroon ng simbahang bukas para sa lahat, kabilang ang mga kasapi ng LGBTQ community, nang walang binabago at nilalabag sa doktrina ng simbahan.
K

Written by Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

JJuan Rafael Bautista, Insight PH

NEWS | Peso breaches ₱62 per dollar, hits new record low

The Philippine peso dropped past ₱62 per U.S. dollar on Friday, Aug. 28, reaching a new record low of ₱62.265 amid rising oil prices and market con...

1 day ago 1 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | PH mulls Facebook ban; MSMEs brace for potential economic fallout

Amid concerns over misinformation, harmful content, online abuse, and child safety, the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) con...

1 day ago 2 min read
MMajella Atheena Aguila, Insight PH

BALITA | ‘Para po sa kanila ang panukalang ito' — Sen. Aquino sa pagsulong ng School Safety Act

Nanawagan si Senate Committee on Basic Education chair Sen. Bam Aquino sa Kongreso na agarang ipasa ang Senate Bill (SB) 2426, o ang Comprehensive ...

3 days ago 3 min read
Explore all News articles