Isiniwalat ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis na ang pinakamahinang kasanayan ng bansa ay ang English communication at mariing sinabi na kinakailangan palakasin ang kakayahan ng mga estudyante, propesyonal, at mga kawani ng gobyerno sa kasanayang ito.
Ayon kay Agrupis, ibinulong niya ang isyung ito kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro habang sila ay kasama sa opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Cambodia.
"Our weakest skill is soft skill, English communication. Your role is very valuable,” pag-uulit nya ng sabi kay Castro.
“Let us develop and implement a micro-credential program in purposive communication, strengthening the competencies of students, professionals and government communicators in ethical, transparent and purposeful communication,” dagdag pa niya.
Samantala, nanawagan din si Agrupis sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon na sana’y makapaghubog daw sila ng mga graduate na hindi lang diploma ang dala, kundi sapat na kakayahan upang maging bahagi ng lakas-paggawa na naaayon sa mga pambansa at panrehiyong prayoridad.
“Graduates leave our universities with diplomas, yet too many cannot find work. Employers search for talent, yet industries remain understaffed. While the world moves forward, our curricula too often lag behind, leaving our students unprepared,” ani Agrupis.
Iniuugnay niya rin na ang suliraning ito sa kakulangan ng pondo sa edukasyon, hindi magkakaugnay na datos, kurikulum na madalas naaapektuhan ng pabago-bagong ekonomiya, at kawalan ng pantay na oportunidad.
Gayupaman, binigyang pansin niya rin na ang kabataan ay naghahangad ng mga oportunidad kaysa sa limos, at ang mga guro naman ay humihingi ng respeto at hindi lamang kaaliwan.
Ipinaliwanag din niya na dapat tingnan ang mga unibersidad bilang mga lugar na nagpapasigla ng inobasyon at nagpapalakas ng demokrasya; hindi lamang sila umiiral para pataasin ang bilang ng statistics ng edukasyon sa bansa
Dagdag pa niya, patuloy na kumikilos ang CHED upang ayusin ang daloy ng edukasyon mula “passive regulator into an active enabler of transformation,” at binanggit niya na nakatuon ang kanyang unang 100 araw bilang chairperson sa paghahanda para sa mga reporma.

F
Written by Francis Owen Romano, Insight PH
Francis Owen Romano, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.