BALITA | PBBM, nilatag mga plano sa isports; Torre, na-shout out

F

Francis Owen Romano, Insight PH

Author

2 min readJuly 29, 2025
BALITA | PBBM, nilatag mga plano sa isports; Torre, na-shout out
Pabirong itinampok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang isinagawang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) si Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III bilang “Atletang Kampeon” nitong ika-28 ng Hulyo sa Batasang Pambansa.

Nabanggit niya ito matapos niyang ipakilala ang ilan sa mga magagaling na atletang Pilipino at maisiwalat ang mga plano ng gobyerno para sa mas ikabubuti at ikahuhusay ng Pilipinas sa larangan ng isports.

“Ang ating kabataan ay maagang namumulat sa sports, humuhusay at tumataas ang kumpyansa. Sumusunod sila sa yapak ng ating mga kampeon at world class na athletes, tulad ni Senator Manny Pacquiao, ni Hidilyn Diaz, ni Caloy Yulo… Sama na rin natin ’yung bago nating kampeon, si PNP Chief General [Nicolas] Torre,” ani PBBM.

Nagpapasalamat naman si Torre sa pagkilala sa kanya ng pangulo at sinabing hindi niya ito inaasahan.

“Nagpapasalamat ako sa recognition. Pero, hindi ko siya expected,” ani Torre sa panayam ng News 5.

Sa kabilang banda, matatandaang si Torre ay nanalo sa ginanap na ‘Boxing for a Cause’ dahil sa hindi pagsipot ng kanyang kalaban na anak ng dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Davao City Acting Mayor Sebastian Duterte, kahapon, ika-27 ng Hulyo.

Ayon kay Torre, sulit daw ang laban dahil sa nalikom na 16M na pondo para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo at nilinaw niyang wala ng susunod na laban ang magaganap.

“Wala namang match na nangyari, eh. Ano pang hahanaping rematch eh walang namang match na nangyari noong una pa lang,” sambit ni Torre.

Samantala, binigyang-diin din ng pangulo sa kanyang talumpati ang pagbuhos ng suporta sa mga atleta ng ating bansa.

Batay sa kaniya, bubuo sila ng mga programang magpapahusay sa isports, at ibabalik ang mga sports club, intramurals, at iba pang katulad nito sa pampublikong paaralan na may layuning hubugin at patatagin ang husay ng mga atletang Pilipino.
F

Written by Francis Owen Romano, Insight PH

Francis Owen Romano, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles