Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 101 nitong Oktubre 25 kung saan ipapatupad ang Republic Act No. 11321 o Sagip Saka Act upang direktang bumili ang mga ahensya ng gobyerno ng mga palay at isda sa mga magsasaka at mangingisda nang hindi dumadaan sa public bidding.
Batay sa EO 101, layunin nitong paigtingin ang food security at bawasan ang rural poverty sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalago ng kita ng mga magsasaka at mangingisda, maging ang pagpapatatag ng farm-to-market linkages, kung saan agad itong ipatutupad kasunod ng paglagda ng Pangulo at paglilimbag sa Official Gazette.
“Section 11 of Republic Act No. 11321 or the "Sagip Saka Act" mandates the national and local government agencies to directly purchase agricultural and fishery products from accredited farmers and fisherfolk cooperatives and enterprises, provided that said agricultural and fishery products are necessary in the performance of their respective mandates,” saad sa EO.
Dagdag pa nito, inaasahang lahat ng national government agencies (NGAs), kabilang ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs), at local government units (LGUs) ay susunod sa nasabing direktiba na iayon ang mga programa at proyekto nila sa mga layunin ng Sagip Saka Act.
Samantala, naatasan naman ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapatupad ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development (FFED) na pangungunahan ng FFED Council.
“The DA is hereby directed to establish Sagip Saka Desks in its regional and field offices to serve as hubs for information, assistance and coordination,” dagdag pa ng EO.
Taong 2019 nang unang maisabatas ang Sagip Saka Act sa inisyatibo ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, principal author at sponsor ng nasabing batas.

K
Written by Kian Gabriel Managbanag, Insight PH
Kian Gabriel Managbanag, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.