Iniutos ni President Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ng 50% ang gastos para sa materyales sa anumang imprastrakturang proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw, Oktubre 25.
Natuklasan umano ng Pangulo na halos 50 porsiyento ang taas ng nakitaan niya sa papeles ng cost of budget ng mga construction items na nilaan sa kaniya ng DPWH.
“I have directed the DPWH Secretary to bring down the cost of materials by as much as 50 percent – that will result in savings in the Capital Outlay spending of at ₱30–₱45 billion pesos,” ani PBBM.
“This is money that we can use for services such as health, education, and food that our people desperately need,” saad pa niya.
Ayon naman kay DPWH Secretary Vince Dizon, parte pa rin siya sa reporma ng ahensya sa gitna ng katiwalian at korupsyon sa mga proyektong pang-imprastraktura.
“Itong directive ng ating Pangulo na ibaba… in some materials up to 50 percent ang presyo ng materyales sa pag-construct ng kalye, tulay, classroom, health center, at iba pang mga proyekto ng DPWH,” sabi ni Dizon.
Nagpahayag din si Sec. Dizon sa taumbayan na kailangan na ring seryosohin ang pagbabago, lalo na sa DPWH.
Dagdag pa nito, mas mainam din daw kung ang iba pang departamento at establisyemento ay makikisama rin sa pagbaba ng presyo para sa materyales na kanilang gagamitin para sa mga proyekto.
“Kung maibaba natin ‘yan, automatic, ibinababa natin ang korapsyon. Ikalawa, kailangan din natin i-monitor nang mabuti ang pagpapagawa,” sabi ni Dizon.
Giit pa ni Dizon na hindi lamang daw nanggagaling sa presyo ang hanggang ngayong pinaguusapang ghost projects, ito raw ay nanggagaling sa pandaraya ng opisyales ng DPWH at kung sinuman.

H
Written by Hayden Datang, Insight PH
Hayden Datang, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.