Daan-daang residente ng Pagadian City ang lumahok sa motorcade bilang panawagan sa pagwawakas ng korapsyon sa lungsod kahapon, Setyembre 21.
Ito ay dahil sa 'di umanong 'mismanagement' ng pondo, kakulangan sa transparency sa mga proyekto at mabagal na pag-unlad sa nasabing lugar.
Dagdag pa rito, nakaranas din ang Pagadian City ng kakulangan sa trabaho, isyu sa mga impraestraktura, at kakapusan sa akses sa mga pangangailangan.
Ayon sa mga kritik, korapsyon ang nakaaapekto sa mga problemang ito lalo na't hindi nailalaan ang mga badyet para sa mga mahahalagang programa na magpapaunlad ng ekonomiya ng lungsod.
"This is just the beginning. We will not rest until we see the real change in Pagadian City," pagbibigay-diin ng mga mamamayan.
Nangako ang mga organizers na ipagpapatuloy ang pag-promote ng transparency at good governance.
Balak ding ipagpatuloy ang plano tulad ng pampublikong forum, investigative research, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal tungo sa reporma.

Written by Nico Pancho, Insight PH
Nico Pancho, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.