BALITA | Napinsalang agrikultural ng Super Typhoon Uwan, umabot na sa ₱188.27M

Pumalo na sa P188.27 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng super bagyong Uwan matapos manalasa sa bansa ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules, Nobyembre 12.

K

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Author

2 min readNovember 12, 2025
BALITA | Napinsalang agrikultural ng Super Typhoon Uwan, umabot na sa ₱188.27M
Pumalo na sa P188.27 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng super bagyong Uwan matapos manalasa sa bansa ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules, Nobyembre 12.

Saad ng ahensya sa kanilang bulletin, nagmula ang crop damage estimate sa mga apektadong probinsya kabilang ang Ilocos Sur, Pangasinan, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Sur, Albay, Northern Samar, at Western Samar.

Tinatayang nasa 6,580 magsasaka ang naapektuhan at 3,905 ektarya ang nasira kung saan karamihan dito ay palay na umabot ng 9,017 metric tons (MT).

Nagtala rin ng P281,000 halaga ng pinsala sa mga hayop tulad ng mga manok, baboy, baka, kalabaw, kambing, at kabayo sa 13 probinsyang nakalista.

Samantala, nakikipagtulungan na ang DA sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pamimigay ng tulong sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.

Nangako ang ahensya na nakahanda na ang kanilang mga ipamamahaging tulong:

- P328.38 million halaga ng farm inputs (palay, mais, at high-value crops);

- P1.24 million halaga ng mga pagkain at supplement para sa livestock at poultry;

- P771,620 halaga ng bangus at tilapia fingerlings;

- 2.57 million sako ng bigas mula sa National Food Authority na ipadadala sa mga lokal na pamahalaan at relief groups;

- Quick Response Fund para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga apektadong lugar;

- Hanggang P25,000 na loanable amount mula sa Survival and Recovery Loan Program ng
Agricultural Credit Policy Council, na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon na may zero interest; at

- Pagbabayad sa mga insured farmer sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation.

Bagaman nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang hilagang bahagi ng Luzon.
K

Written by Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles