Nilalakad na ng Office of the Ombudsman ang pagpapakulong sa 60 indibidwal na sangkot sa ma-anomalyang flood control projects bago sumapit ang pasko, bagay na pinuna rin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Nobyembre 3.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hindi ito basta-basta at may prosesong dapat na sundin bilang parte ng due process.
“That is definitely the goal. And sabi nga po dapat as soon as today, sana mayroon nang nakukulong. Kaso nga lang we have a process to abide by. And these are things that we have to respect dahil part po ‘yan ng due process,” saad ni Clavano.
Aniya, ipagpapatuloy ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga ahensya ng gobyerno ang imbestigasyon kung sakaling wala ang Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Dagdag pa niya, nakapaloob sa kanilang mandato na aksyunan ang mga impormasyong binababa sa kanila, kabilang ang mga referral sa ICI.
“The ICI, the way we see it, is an additional tool and an additional avenue for fact-finding and investigation. But even without the ICI, marami pa po tayong maaasahan. Nandiyan naman po ang mga PNP [at] ang NBI. Dito mismo sa opisina ni Ombudsman, mayroon po tayong fact-findng investigators,” ani Clavano.
Samantala, ninanais nilang ipakita ang lahat ng pending cases sa ilalim ng ICI, Department of Justice (DOJ), at Office of the Ombudsman gamit ang isang dashboard na kanilang itatatag.
“The ICI, the DOJ [and] the Ombudsman are coming together to collate all our information. We want to present to the media and to the general public all the pending cases with each of our offices para po mas klaro,” giit ni Clavano.

I
Written by Insight PH
Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.