BALITA | Mga nag-riot sa Maynila, binanatan ni Isko

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Author

1 min readSeptember 22, 2025
BALITA | Mga nag-riot sa Maynila, binanatan ni Isko
“Utak adik, utak talangka.”

Ganiyan inilarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nanggulo sa dapat na mapayapang protesta sa Recto Avenue kahapon, Setyembre 21.

Pahayag ng alkalde, matapang lamang ang mga ito kapag sama-sama na silang lahat.

“Itong mga tolongges na kabataan, pagdating ng lilim ng gabi, nag-mob na. As you can see, maraming public at private property were damaged,” ani Moreno.

Aniya, duda raw siyang tunay na raliyista ang mga sangkot sa gulo sa Recto dahil may kani-kaniyang lugar ang mga nakatakdang mag-rally nitong Linggo.

“Ang initial report namin, merong nagmanipulate nung mga bata, unconfirmed pa. Ito ‘yung mga nagsunog ng mga motor, naghagis ng molotov, [at] nanira ng private property,’ dagdag pa niya.

Samantala, hindi bababa sa 100 ang nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD) kabilang ang 48 na menor de edad na kanilang inaresto.

Written by Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

JJuan Rafael Bautista, Insight PH

NEWS | Peso breaches ₱62 per dollar, hits new record low

The Philippine peso dropped past ₱62 per U.S. dollar on Friday, Aug. 28, reaching a new record low of ₱62.265 amid rising oil prices and market con...

1 day ago 1 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | PH mulls Facebook ban; MSMEs brace for potential economic fallout

Amid concerns over misinformation, harmful content, online abuse, and child safety, the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) con...

1 day ago 2 min read
MMajella Atheena Aguila, Insight PH

BALITA | ‘Para po sa kanila ang panukalang ito' — Sen. Aquino sa pagsulong ng School Safety Act

Nanawagan si Senate Committee on Basic Education chair Sen. Bam Aquino sa Kongreso na agarang ipasa ang Senate Bill (SB) 2426, o ang Comprehensive ...

3 days ago 3 min read
Explore all News articles