BALITA | Maharlika-funded oil reserve, inilunsad ng Pilipinas sa gitna ng oil crisis

J

Jon Jedwin Pineda, Insight PH

Author

3 min readJune 4, 2026
BALITA | Maharlika-funded oil reserve, inilunsad ng Pilipinas sa gitna ng oil crisis

Pormal na sinimulan ng Pilipinas ang mga hakbang para sa pagtatayo ng sariling pambansang imbakan ng langis na tutugon sa kasalukuyang krisis at biglang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa merkado, matapos ang patuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang tensyon sa pagitan ng Iran at United States ang nag-udyok sa gobyerno na muling makialam sa sektor ng langis at enerhiya.

"But now, because the times are changing and our needs are changing, it’s about time for us to revisit that so we do not experience again what we recently experienced," pahayag ni Garin sa isang press conference noong Lunes, Hunyo 1.

Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang Philippine National Oil Company (PNOC) na pangunahan ang pagbili ng mga suplay para sa pambansang reserba, dahil ito ang may mandato sa seguridad sa enerhiya at may mga ari-arian sa iba't ibang bahagi ng bansa na maaaring pagtayuan ng mga pasilidad.

Aminado ang DOE na nangangailangan ng malaking pondo ang proyekto. Aabot sa ₱5 bilyon ang kakailanganin upang makapagpatayo ng isang imbakan na may kapasidad na 500,000 bariles.

Kasama rin sa bibigyang-pansin ang mga bagong tubo, daungan, kagamitan, at pamamahala.

Upang mapondohan ito, gagamitin ng gobyerno ang Maharlika Investment Corp. (MIC) na siyang namamahala sa sovereign wealth fund ng bansa.

Ayon kay Garin, ang pambansang imbakan ay magdaragdag ng hindi bababa sa 30 araw na suplay ng petrolyo. Ito ay hiwalay pa sa kasalukuyang 30 hanggang 60 araw na imbentaryo na dapat panatilihin ng mga pribadong kompanya ng langis.

Sa ngayon, halos 80% ng mga pasilidad sa bansa ay pagmamay-ari ng mga pribadong negosyante.

"Stockpiling will protect us from supply shocks,” dagdag ng kalihim.

Inaasahang makakukuha rin ng suporta ang bansa mula sa Japan para sa mga gagawing feasibility study at capacity building, na tiniyak ng gobyerno ng Japan sa naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tokyo nitong nakaraang buwan.

Nilinaw ng DOE na ang planong ito ay iba sa Oil Price Stabilization Fund. Ang bagong stockpile ay tutuon sa pagkakaroon ng pisikal na reserba ng langis upang may magamit ang bansa sakaling magkaroon ng pagkaantala sa pandaigdigang suplay, tulad ng posibleng pagsasara ng Strait of Hormuz sa Gitnang Silangan.

Inaasahang mapipirmahan ang kasunduan sa pagitan ng DOE, PNOC, at MIC sa loob ng buwang ito upang masimulan na ang pag-aaral sa mga lokasyon. Tantya ng pamahalaan na aabutin ng isang taon bago makumpleto ang mga permit at pagsasara ng usaping pinansyal para sa unang pasilidad.

Bagama't ilang dekada na itong pinag-uusapan ng mga nakaraang administrasyon, determinado ang kasalukuyang pamahalaan na simulan ito upang maiwasan ang pinakamalalang senaryo kung saan tuluyang mauubusan ng langis ang Pilipinas.

J

Written by Jon Jedwin Pineda, Insight PH

Jon Jedwin Pineda, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles