BALITA | Mag-asawang Discaya, Pinangalanan ang mga sangkot sa Flood Control projects

J

Jasmine Danica Batoctoy, Insight PH

Author

3 min readSeptember 10, 2025
BALITA | Mag-asawang Discaya, Pinangalanan ang mga sangkot sa Flood Control projects
Pinangalanan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang ilang mga kongresista at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y lumapit sa kanila upang humingi ng porsyento mula sa mga proyekto.

Ayon sa mag-asawa, ang hinihinging porsyento ay hindi bababa sa 10% at umaabot pa sa 25%, na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kontrata.

Ilan sa kanila ay sila:

• Terrence Calatrava, former Undersecretary of the Office of the Presidential Assistant for the Visayas of the Philippines
• Cong. Roman Romulo ng Pasig
• USWAG Ilonggo Party-list Cong. Jojo Ang
• QC Cong. Patrick Michael Vargas
• QC Cong. Juan Carlos 'Arjo' Atayde
• AGAP Party-list Cong. Nicanor 'Nikki' Briones
• Marikina Cong. Marcelino 'Marcy' Teodoro of Marikina
• San Jose Del Monte, Bulacan Cong. Florida 'Rida' Robes
• Romblon Cong. Eleandro Jesus Madrona
• Cong. Benjamin 'Benjie' Agarao Jr.
• An-Warah Partylist Cong. Florencio Gabriel 'Bem' Noel
• Cong. Leody 'Odie' Tarriela
• QC Cong. Reynante 'Reynan' Arrogancia
• QC Cong. Marvin Rillo
• Aklan Cong. Teodorico 'Teodoro' Haresco Jr.
• Zamboanga Sibugay Cong. Antonieta Eudela
• Caloocan Cong. Dean Asistio
• QC Cong. Marivic Co Pillar

Batay sa ulat, ang 25% na porsyento ay itinuturing na mataas at halos imposibleng balewalain sa karaniwang mga gawain, na nagtataas ng mga tanong tungkol sa mga kondisyon sa likod ng nasabing bilang.

Kabilang sa mga opisyal na may kaugnayan dito ay sina:

• Regional Director Eduarte Virgilio of DPWH Region V
• Director Ramon A. Arriola III of Unified Project Management Offices (UPMO)
• District Engineer Henry Alcantara of DPWH Bulacan 1st District Engineering Office
• Undersecretary for Regional Operations in Visayas, NCR and Region IV-B Robert Bernardo
• District Engineer Aristotle Ramos of DPWH Metro Manila 1st District Engineering Office
• District Engineer Manny Bulusan of DPWH North Manila District Engineering Office
• District Engineer Edgardo C. Pingol of DPWH Bulacan 3rd District Engineering Office
• District Engineer Michael Rosaria of DPWH Quezon 2nd District Engineering Office

Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%.

Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan.

Sa ilang pagkakataon, ang mga pulitiko na personal na inabutan ng halaga, ayon sa hinihingi nilang porsyento mula sa proyekto.

Ilan sa mga ito ay sina:

• Cong. Antonieta Eudela kasama ang kanyang asawa
• Cong. Marvin Rillo
• Cong. Nikki Briones
• Arturo N. Atayde
• Cong. Florencio Gabriel "Ben" Noel
• Cong. Eleandro Jesus Madrona
• Cong. Benjamin "Benjie" Agarao Jr.

Sinabi ng mag-asawa, naging matinding pagsubok sa kanila ang kabawasan ng pondong nakalaan sa mga proyekto.

“Pilit at matapat naming sinunod ang bawat spesipikasyon na nakasaad sa Program of Works na nakasaad sa proyekto ng DPWH.” paliwanag nila.

“Nakasisiguro kami na ginagawa namin ng maayos at matapat ang bahagi o ‘phase’ ng proyekto na na-award sa amin. Sa katunayan, hindi kami mababayaran ng DPWH kung hindi ito dumaan at pumasa sa maraming ‘material testing’ na naaayon sa design ng DPWH.” ani pa.

Idinagdag pa nila na hindi kailanman gumawa ng ‘ghost projects’ at masugid na siniyasat ang lahat ng natapos na proyekto.
J

Written by Jasmine Danica Batoctoy, Insight PH

Jasmine Danica Batoctoy, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles