Nakapasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang panibagong low-pressure area (LPA) ngayong Linggo, alas-otso ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, malaki ang posibilidad na maging tropical depression ang LPA sa susunod na 24 oras, at papangalanan bilang bagyong Verbena.
Huling itong nakita 845 kilometers (km) mula sa Northeastern Mindanao.
Samantala, nagbigay babala na rin ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Inaasahan naman ang maulap na panahon at pagkulog sa Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Eastern Visayas, at Bohol.
Written by Arianne Jhayne O. Inocencio, Insight PH
Arianne Jhayne O. Inocencio, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



