Uumpisahan na ng House Committee on Public Accounts sa ikatlong linggo ng Nobyembre ang pag-imbestiga sa Manila Bay Dolomite Beach Project, matapos ang kabi-kabilang pagbaha sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay House Panel Chairperson at Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon, bibigyang-pansin sa unang hearing ang kawastuhan ng proyekto at pag-aaralan ang epekto nito sa bahang nararanasan sa mga kalapit na lugar.
“The first hearing will focus on the project's necessity based on (a) the Manila Bay Sustainable Development Master Plan and (b) the Supreme Court’s Continuing Mandamus for the rehabilitation of Manila Bay,” ani Rep. Ridon.
Dagdag niya, maghahanap sila ng mga posibleng alternatibong solusyon para linisin at mapreserba ang Manila Bay, kabilang ang pagpapaganda ng kalidad ng tubig upang muling malanguyan ito.
Inimbitahan din ng Kamara ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Economy, Planning and Development (DEPDev), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa nasabing imbestigasyon.
“It’s about time na malantad na talagang useless naman itong proyektong ito. Sinimulan noong nakaraang administrasyon, kalagitnaan pa ng pandemya, over P600 million ang nagastos na rito… so dapat lang na maimbestigahan,” saad ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio bilang suporta sa imbestigasyon.
Samantala, pinuna naman ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang gagawing imbestigasyon dahil umano sa pagiging “politically motivated” nito.
Aniya, parte lamang ito ng mga gawain upang pagtakpan ang iba pang isyu sa bansa, kabilang ang korapsyon sa pamahalaan.
via Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

I
Written by Insight PH
Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.