BALITA | Ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery bumagsak; mga labi, nangamoy

G

Gian Bert Nol Llaneta, Insight PH

Author

1 min readJuly 24, 2025
BALITA | Ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery bumagsak; mga labi, nangamoy
Nagdulot ng matinding pag-aalala sa mga residente ng Brgy. Mayao, Oas, Albay ang pagkasira ng ilang nitso sa Oas Catholic Cemetery ngayong araw, July 24.

lto ay matapos bumigay ang mga nitso dahil sa umano’y mahinang pundasyon, na lalong pinatindi ng patuloy na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Sa isang maselang tagpo, ilang labi ng mga yumaong inilagak sa sementeryo ang nakitang lantad at nangangamoy, bagay na labis na ikinabahala ng mga malalapit na residente.

Bukod sa panganib sa kalusugan, tinuturing nila itong isang malinaw na kawalan ng respeto sa mga pumanaw.

“Ito ay hindi lamang isyu ng kalinisan, kundi ng dignidad, para sa mga yumao at sa mga buhay na naiwan,” ani ng isang residente na nanawagan ng agarang aksyon mula sa simbahan at kinauukulang mga opisyal.

Sa kabila ng lumalakas na panawagan ng komunidad, iniulat na hindi pa rin naaayos ang mga sirang nitso hanggang ngayon.

Hiniling naman ng mga residente na agad itong ayusin upang maiwasan ang posibleng panganib sa kalusugan at ang paglala ng masangsang na amoy na patuloy na bumabalot sa lugar.

G

Written by Gian Bert Nol Llaneta, Insight PH

Gian Bert Nol Llaneta, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles