Hinimok ni Education Sec. Sonny Angara ang publiko na huwag pilitin ang mga lokal na pamahalaan na magsuspinde ng klase kahit na bahagya lamang ang mga pag-ulang nararanasan sa kani-kanilang lugar.
Ayon kay Angara, ang madalas at hindi kinakailangang kanselasyon ng klase ay lalo lamang magpapalala sa ‘learning loss’ ng mga estudyante.
Panawagan pa ni Angara, “Nakikiusap din kami sa publiko, sa mga magulang, at estudyante. Huwag natin masyadong i-pressure ang ating local government, chief executives na kaunting ulan ay mag-suspend na tayo dahil kapag sinumatotal natin ang nawawalang araw, malaki ang dagok o tama sa ating mga estudyante, ‘yun ang tinatawag na learning loss.”
Dagdag pa ng kalihim, sa ngayon ay nire-require na ng Department of Education ang mga paaralan na magsagawa ng make-up classes, kapag nagkaroon ng class suspension, upang masiguro na makukumpleto ng mga ito ang kanilang required learning hours.

J
Written by Jasmine Danica Batoctoy, Insight PH
Jasmine Danica Batoctoy, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.