‎BALITA | DOF: Pilipinas, may kapasidad pa ring mangutang sa kabila ng record-high debt

K

Kylie Cahiyang, Insight PH

Author

2 min readMay 9, 2026
‎BALITA | DOF: Pilipinas, may kapasidad pa ring mangutang sa kabila ng record-high debt

‎Iginiit ng Department of Finance (DOF) na nananatiling matatag ang kalagayang pinansyal ng Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng utang ng bansa.

‎“The Philippines stands in a good fiscal position and has room to leverage if it needs to,” pahayag ni Finance Secretary Frederick D. Go sa 2026 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Sustainability Forum sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Huwebes, Mayo 8.

‎Ayon kay Go, nananatiling matatag ang macroeconomic fundamentals ng bansa at patuloy pa ring hawak ng Pilipinas ang investment-grade credit ratings nito.

‎Binigyang-diin ng DOF na may kakayahan pa ring umutang ang pamahalaan kahit umabot na sa record-high ang national government debt.

‎Umabot sa ₱18.49 trilyon ang national government debt ng bansa noong Marso 2026—dagdag mula sa ₱15.89 trilyon noong parehong buwan ng nakaraang taon dahil sa patuloy na paghiram ng gobyerno para pondohan ang mga programa at proyekto, pati na rin ang mga bayarin sa pandemya.

Ayon kay Reyes Tacandong & Co. senior adviser Jonathan Ravelas, umabot na sa 65.2% ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas, ang pinakamataas sa dalawang dekada. Sinabi niyang “manageable” pa ito dahil mas mababa sa 70% threshold ng World Bank, ngunit nasa “caution zone” na dahil mas mabilis ang paglaki ng utang kumpara sa ekonomiya.

‎‎

‎Nagbabala naman ang ilang ekonomista na maaaring magdulot ng dagdag na hamon sa ekonomiya ang tensyon sa Middle East dahil sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

‎Samantala, binago ng Fitch Ratings ang outlook nito sa investment-grade status ng Pilipinas mula “stable” tungo sa “negative” dahil sa bumabagal na pamumuhunan at mga panganib mula sa pandaigdigang krisis.

‎Patuloy namang sinusubaybayan ng pamahalaan ang kalagayan ng ekonomiya upang mapanatili ang katatagan ng pondo ng bansa sa gitna ng pandaigdigang hamon.

K

Written by Kylie Cahiyang, Insight PH

Kylie Cahiyang, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

JJuan Rafael Bautista, Insight PH

NEWS | Peso breaches ₱62 per dollar, hits new record low

The Philippine peso dropped past ₱62 per U.S. dollar on Friday, Aug. 28, reaching a new record low of ₱62.265 amid rising oil prices and market con...

1 day ago 1 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | PH mulls Facebook ban; MSMEs brace for potential economic fallout

Amid concerns over misinformation, harmful content, online abuse, and child safety, the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) con...

1 day ago 2 min read
MMajella Atheena Aguila, Insight PH

BALITA | ‘Para po sa kanila ang panukalang ito' — Sen. Aquino sa pagsulong ng School Safety Act

Nanawagan si Senate Committee on Basic Education chair Sen. Bam Aquino sa Kongreso na agarang ipasa ang Senate Bill (SB) 2426, o ang Comprehensive ...

3 days ago 3 min read
Explore all News articles