Maglulunsad ang Commission on Human Rights (CHR) ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa karahasan na naganap na kilos-protesta sa Maynila noong Linggo, Setyembre 21.
Ayon sa CHR, tututukan nila ang mga ulat na pusibleng lumabag ang mga awtoridad sa tamang standard procedures kaugnay sa paggamit ng puwersa.
Sisiyatin din ng ahensya ang mga ulat ng harassment laban sa ilang miyembro ng midya.
“The Commission reiterates that protests hold a rightful place in a democratic society. However, the exercise of rights must not endanger others or compromise public safety,” pahayag ng CHR.
Dagdag pa ng ahensya, “Likewise, while the State may regulate assemblies to preserve public order, such measures must always comply with human rights standards, guided by the principles of necessity, proportionality, and accountability.”
Nagpadala naman ang ahensya ng mga monitoring team sa lugar ng protesta upang tiyakin na nirerespeto ng otoridad ang karapatan ng mga mamamayan.
Naglagay na rin ng mga monitoring team sa Manila Police District (MDP), kung saan daan-daang individwal at mga menor de edad ang mga naka kulong.
Patuloy na kinokonsolida ng CHR ang mga dokumento at testimonya mula sa kanilang monitoring team, at binabantayan din ang mga kalagayan ng mga nakakulong sa estasyon, partikular na ang mga menor de edad.
Samantala, ayon sa human rights groups na Karapatan, ilan sa mga inaresto ay hindi kasama sa pagprotesta at nadamay lamang sa kaguluhan.
Iginiit ni Karapatan secretary-general Cristina Palabay na ang ginawa ng pulisya ay “reminiscent of the kind of state violence inflicted” during the dictatorship.”
Aniya, “We should go back to where we started. Why are people out in the streets? Why are people angry? To penalize them, to put them in jail, to criminalize them, is not the way to go. It’s not solving any root cause of the problem. It’s really blaming the victims instead of addressing and putting forward justice for all.”
Sa kabilang banda, iginiit naman ng pulisya na may mga “instigators” o provokador sa likod ng kaguluhan at nag hahanda na sila ng kaso laban sa mga naka dinetene, kabilang ang posibilidad na inciting to sedition charges laban sa itinuturong pasimuni ng gulo.

R
Written by Roger Palomaria Jr., Insight PH
Roger Palomaria Jr., Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.