Naghain ang Canada ng mahigit CAD 1.2 milyon (tinatayang ₱50 milyon) na bagong humanitarian assistance at higit CAD 76.45 milyon (₱3.21 bilyon) para sa bagong development investments sa Pilipinas, kasabay ng pagpapalalim ng ugnayan ng Ottawa at Maynila sa gitna ng tumitinding hamon sa klima at seguridad.
Ipinahayag ang mga pangakong ito ni Canadian Secretary of State for International Development na si Randeep Sarai sa isang press briefing sa Maynila nitong Biyernes, ika-14 ng Nobyembre kasama si Canadian Ambassador sa Pilipinas na si David Hartman, bilang bahagi ng limang araw na pagbisita ni Sarai upang suriin ang mas pinalawak na kooperasyon sa bansa.
Binigyang-diin ni Sarai na ang Pilipinas ay nangunguna sa listahan ng mga bansang may “critical vulnerability paired with strong governance potential.”
Gayunpaman, hanga raw siya sa sa kakayahan ng bansa na mailikas ang higit isang milyon katao bago dumating ang bagyo.
Pag-angat ng kakayahang pangkalamidad
Binuksan ni Sarai ang talakayan sa pagkilala sa mabilis na paghahanda at evacuation operations ng pamahalaan sa gitna ng sunod-sunod na bagyo nitong taon.
Ayon sa kanya, “I was very impressed with the Philippines’ capacity to move more than one million people ahead of landfall,” na tinawag niyang “a commendable show of capacity and strength.”
Ipinahayag niya na ang serye ng malalakas na bagyo ay “undeniable evidence of how climate change intensifies extreme weather,” kaya dapat palakasin ang suporta sa mga bansang nasa frontline ng krisis.
Climate resilience at pagpapalakas sa depensa ng komunidad
Inihayag ni Sarai na ang pinakamalaking bahagi ng investment ay ilalaan sa disaster risk reduction at resilience building para sa mga komunidad na madalas tamaan ng bagyo at pagbaha.
Kasama rito ang pagpapatayo ng climate-resilient infrastructure, early warning systems, at community-based climate adaptation mechanisms.
Binanggit niyang ang layunin ay hindi lang “response after disasters,” kundi pagbuo ng kapasidad para sa anticipation, readiness, and long-term resilience.
Food at Water Security sa Gitna ng Tumitinding Pressure sa Agrikultura
Isa sa pinakamalaking programang popondohan ang pagpapalakas ng food systems sa mga rehiyong lubhang apektado ng pagbabago ng klima.
“To build climate-adaptive agriculture that can withstand harsher conditions every year,” ani Sarai.
Nakatuon din ang investment sa water resource management, lalo na sa mga lugar na may mababang access sa ligtas at sustainable na supply ng tubig.
Energy Security at Paglipat sa Mas Malinis na Sistema
Kasama sa pondo ang suporta para sa malinis na enerhiya sa pamamagitan ng proyektong ‘ENERKEY’ na layong palawakin ang electrification ng transport sector at palakasin ang renewable energy capacity.
Ayon kay Sarai, ang energy transition ay mahalagang bahagi ng climate stability ng Pilipinas.
“Clean energy access is not just an environmental shift, but a major driver of economic stability and growth,” giit nya.
Pagpapalawak ng Suporta sa mga Kabataan
Binigyang-pansin din ni Sarai na tututukan nya ang ilang programang nagpapabuti ng sexual and reproductive health services para sa kababaihan at kabataan.
Bahagi rin ng portfolio ang matinding pagtutok sa malnutrisyon at stunting sa mga bata sa geographically isolated at disadvantaged areas.
Kasam na rin ang target na suportahan ang mga kabataang apektado ng armadong tunggalian, partikular sa mga conflict-prone na probinsya.
Espesipikong Programang Magbibigay ng Estratehikong Benepisyo sa Bansa
Kasama sa investment ang Disaster Resilient and Climate Adaptive Food Systems (DRCAFS) na tutulong sa smallholder farmers sa Northern Luzon at Eastern Visayas.
Popondohan din ang proyektong “Agsama Kape” upang palawakin ang kakayahan ng Indigenous women coffee farmers sa Mindanao.
Gayundin sa pagpapatuloy ng suporta sa marine conservation sa pamamagitan ng programang nakatuon sa Coral Triangle, na isa sa pinakamayamang marine biodiversity areas sa mundo.
Agarang Humanitarian Aid Bilang Tugon sa Matinding Pinsalang Dulot ng Kalamidad
Kasabay ng development investment, naglaan ang Canada ng CAD 1.2 milyon para sa agarang humanitarian relief sa mga komunidad na sinalanta ng bagyo at lindol.
Batay kay Sarai, ang tulong na ito ay, “a commitment to provide immediate assistance while strengthening long-term systems.”
Binanggit din niyang ang humanitarian aid ay idadaan sa trusted multilateral partners upang masiguro ang mabilis at maayos na implementasyon.
Pondo, Ipapamahagi nang Transparent
Nilinaw ni Sarai na hindi direktang dadaan sa pamahalaan ang pondo, kundi sa international organizations, civil society, at development NGO partners.
Dahil ito raw ay bahagi ng risk management framework ng Canada upang masiguro na ang lahat ng pondo ay napupunta sa target communities at hindi sa korapsyon.
“A model designed to minimize corruption risks and maximize direct community impact,” diin niya.
Pagpapalalim sa Ugnayan ng Pilipinas at Canada
Iginiit ni Sarai na ang Pilipinas ay nakaposisyon bilang isa sa pinakaimportanteng partner ng Canada sa Indo-Pacific dahil sa strategic location at mataas na vulnerability sa climate shocks.
Aniya, ang mga programang ito ay mga puhunan na magbibigay-daan sa Pilipinas na pangunahan ang sariling adaptasyon at landas ng kaunlaran.
Dagdag niya, ang limang-araw na pagbisita ay nakatuon sa pagbuo ng pangmatagalang framework ng kooperasyon na nakasentro sa sustainable development, climate resilience, at community empowerment.
Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan ipapamahagi ang mga pondo, ngunit inaasahang isasagawa ito sa mga susunod na buwan sa pamamagitan ng mga international partners at development organizations habang pinaghahanda ang implementasyon ng mga proyekto sa bansa.

Written by Francis Owen Romano, Insight PH
Francis Owen Romano, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.