Iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes, Nobyembre 12 ang 24 opisyal ng gobyerno matapos umalis ng bansa sa kabila ng travel ban na ipinatupad bago manalasa ang bagyong Tino at Uwan.
Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na posibleng sampahan ng kasong gross negligence, gross insubordination at abandonment of posts ang mga nasabing opisyal na itinanggi niyang pangalanan dahil umano sa kawalan nila ng konsensiya at pagtakas sa mga responsibilidad.
“Under investigation ngayon ang 24 na umalis na local chief executives. Despite the directive, umalis sila November 9 to 15,” saad ng kalihim sa isang panayam.
Aniya, sa oras ng national emergency, kinakailangang magpaalam muna ng mga municipal mayor at councilor sa DILG para sa kanilang biyahe palabas ng bansa.
“Dati po kasi basta municipal mayors pababa hanggang councilors ay sa governor lang sila magpapaalam or sa mayor. In this case of national emergency, lahat po yan ay magre-report back to the DILG,” ani Sec. Remulla.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of the Philippines, may mandato ang lahat ng gobernador, alkalde at mga miyembro ng lokal na konseho na pangunahan ang disaster aid at relief efforts sa kanilang mga nasasakupan.
Samantala, usap-usapan ngayon sa social media ang biglaang pag-alis sa bansa ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na ikinagalit ng mga netizens dahil umano sa pagtakas nito sa mga kinakaharap na kaso tungkol sa ma-anomalyang flood control projects.
“We confirm that former Secretary Manny Bonoan departed this afternoon for the United States via Taiwan,” pahayag ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval noong Martes sa isang viber message.

Written by Kian Gabriel Managbanag, Insight PH
Kian Gabriel Managbanag, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.