BALITA | 113 raliyista sa Mendiola, arestado; isa, patay

K

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Author

2 min readSeptember 22, 2025
BALITA | 113 raliyista sa Mendiola, arestado; isa, patay
Tinatayang aabot sa 113 na raliyista ang inaresto ng mga pulis matapos maging marahas sa naganap na rally sa Mendiola, Maynila bilang parte ng September 21 demonstrations.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), 48 sa mga nasangkot sa gulo ay menor de edad, at dalawa rito ay nailipat na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang natitirang 46 ay nililitis pa.

“Parang gusto nilang gayahin ‘yung nangyari sa ibang bansa at may iniidolo silang isang rapper na parang nag-udyok sa kanila na pumunta doon tapos magsuot ng black na uniporme, magtakip ng mukha kasi nga pilosopya nila na "no face, no case”, saad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Anthony Aberin.

Dagdag pa niya, documented ng body camera ang nangyari at hindi sila basta-bastang nandampot ng mga tambay dahil ang mga nambato at nanggulo lang umano ang kanilang hinuli.

Dumaing naman ang isang nanay ng kambal na nadamay lang umano dahil niyaya ng barkada na sumama sa portesta, at nanawagan kay Manila Mayor Isko Moreno na palayain ang mga anak niya.

“Wala na ngang makain, problema pa. Nalaman ko tanghali na sumama pa rin daw po,” pahayag ng nanay nina John Paulo at John Vincent Aguilar na kasama sa mga naaresto.

Samantala, dead on arrival ang isang lalaki nang dalhin sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center matapos magtamo ng ilang saksak, habang isa naman ay nasa medical care pa rin matapos mabaril sa nasabing rally.

Sugatan din ang 93 pulis matapos batuhin at kuyugin ng mga nagprotesta, at ilan sa kanila ay kasalukuyang ginagamot sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH).
K

Written by Kian Gabriel Managbanag, Insight PH

Kian Gabriel Managbanag, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

JJuan Rafael Bautista, Insight PH

NEWS | Peso breaches ₱62 per dollar, hits new record low

The Philippine peso dropped past ₱62 per U.S. dollar on Friday, Aug. 28, reaching a new record low of ₱62.265 amid rising oil prices and market con...

1 day ago 1 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | PH mulls Facebook ban; MSMEs brace for potential economic fallout

Amid concerns over misinformation, harmful content, online abuse, and child safety, the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) con...

1 day ago 2 min read
MMajella Atheena Aguila, Insight PH

BALITA | ‘Para po sa kanila ang panukalang ito' — Sen. Aquino sa pagsulong ng School Safety Act

Nanawagan si Senate Committee on Basic Education chair Sen. Bam Aquino sa Kongreso na agarang ipasa ang Senate Bill (SB) 2426, o ang Comprehensive ...

3 days ago 3 min read
Explore all News articles