Antiqueño nagdaos ng kilos protesta kontra korapsyon

R

Roger Palomaria Jr., Insight PH

Author

2 min readNovember 30, 2025
Antiqueño nagdaos ng kilos protesta kontra korapsyon

Dumagsa ang mga estudyante, religious groups, at mga guro ang EBJ Freedom Park sa San Jose, Antique kaninang umaga Nobyembre 30 upang manawagan kontra korapsyon, kapabayaan, at pag sira ng kabukiran sa probinsya sa temang “Bugtaw Antique.”

Nag tipon ang mga dumalo sa Saint Anthony’s College (SAC) at Bishop’s House North Delegation para sa peace walk patungong EBJ Freedom Park pasadong alas 9:00 ng umaga.

Nagbigay ng mensahe ang iba’t-ibang community leaders at advocates ng probinsya at nanawagan sa lokal at nasyonal na gobyerno ng transparency, accountability, at environmental protection.

Kabilang sa mga nag bigay ng mensahe sila Most Rev. Leon T. Estrella, obispo ng Iglesia Filipina Independiente at Rev. Fr. Edionne Febrero direktor ng Social Action ng Diocese of San Jose de Antique.

Samantala, ayon kay Atty. Rolly Pedriña chairperson ng Amlig Antique Alliance (AMLIG) ang ilang proyekto sa probinsya ay hindi sumusunod sa tamang proseso at may kakulangan sa environmental compliance certificate.

Nanawagan naman ang isa sa apektado ng Laua-an to Capiz road construction ng Sunwest Corporation na si Mary Demetrio na bayaran sila sa mga nasirang taniman sa Barangay Maybunga, Laua-an.

“Bali ang apektado 12 pamilya [at] may dumagdag na tatlo bali 15 families na, ang aming taniman [ay] totally damaged, hindi na mapakinabangan, [at] hindi na mataniman ulit,” aniya.

Ang naturang pag kilos ay kasabay sa pagdiriwang ni Andres Bonifacio at sa malawakang Trillion March 2.0 sa bansa.

Pinangunahan ng Diocese of San Jose de Antique kasama ang AMLIG ang pagkilos na tumagal hanggang 12:00 ng hapon.

Matatandaan, nanawagan si Most Rev. Marvyn A. Maceda ng Diocese of San Jose de Antique sa mga Antiqueño noong Nobyembre 29 na dumalo sa naturang pagkilos bilang pag suporta sa isinagawang Trillion March Peso.


R

Written by Roger Palomaria Jr., Insight PH

Roger Palomaria Jr., Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

JJuan Rafael Bautista, Insight PH

NEWS | Peso breaches ₱62 per dollar, hits new record low

The Philippine peso dropped past ₱62 per U.S. dollar on Friday, Aug. 28, reaching a new record low of ₱62.265 amid rising oil prices and market con...

1 day ago 1 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | PH mulls Facebook ban; MSMEs brace for potential economic fallout

Amid concerns over misinformation, harmful content, online abuse, and child safety, the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) con...

1 day ago 2 min read
MMajella Atheena Aguila, Insight PH

BALITA | ‘Para po sa kanila ang panukalang ito' — Sen. Aquino sa pagsulong ng School Safety Act

Nanawagan si Senate Committee on Basic Education chair Sen. Bam Aquino sa Kongreso na agarang ipasa ang Senate Bill (SB) 2426, o ang Comprehensive ...

3 days ago 3 min read
Explore all News articles