AGTEK | TAMIS ANG NAIS: Banana Peels, Fertilizer na rin sa Halaman?

H

Hayden Datang, Insight PH

Author

3 min readNovember 10, 2025
AGTEK | TAMIS ANG NAIS: Banana Peels, Fertilizer na rin sa Halaman?
Mangga, dalanghita, at dalandan—iilan lamang ‘yan sa napakaraming uri ng prutas na maari nating kainin. Pero, dahan-dahan lang! Baka kasi pati ang balat kainin. Hindi natin alam kung pati ang nasa labas nito ay masustansiya.

Ngunit sa likod ng balat na madalas itapon, may taglay pala itong kabutihan na kayang magbigay-buhay sa ating kalikasan. Tulad ng saging—ang banana peels pala ay puwedeng maging alternative fertilizers sa mga halamang patuloy na binubuhay natin sa pang-araw-araw.

Tinatawag itong Fermented Fruit Juice (FFJ) o Banana Concoction. Sa pamamagitan ng mga banana peels, ang likido nito ay magiging daan upang maging alternative fertilizers sa mga halaman natin. Subalit, paano nga ba ‘to ginagawa?

Ayon sa Department of Agriculture, una muna ay hahatiin ng maliliit ang banana peels at maglalagay ng tubig asukal sa loob laman nito. Pagkatapos, kailangan itong takpan gamit ang malinis na papel at dapat i-stock ng halos dalawang linggo.

Dagdag pa rito, ang FFJ ay nakakatulong upang mas mapatamis ang mga prutas na itatanim natin na nakakadagdag ng potassium vitamins sa kalusugan ng bawat indibidwal.

Potassium ang siyang tumutulong sa paglaki ng dahon at pagdami ng bunga ng halaman. Sa pamamagitan din ng concoction na isinagawa, tumutulong din itong madapuhan ng anumang insekto at peste ang tanim na aanihin.

Sa buong bansa, hindi masyadong kilala ang paggawa ng natural fertilizers. Marahil may gumagawa ‘man ng mga ganitong paraan, ngunit ang mga natural-man made fertilizers ay hindi rin masyadong kinikilala ng ibang indibidwal.

Isang eskuwelahan mula sa Rehiyon III ang isa sa mga gumagamit ng FFJ o Banana Concoction Process. Sa pangunguna ng mga estudyanteng-lider ng kanilang eskuwela, ginamit nila ito upang mas pagandahin at gawing kaayaaya ang lagay ng kanilang hardin sa paaralan.

Ayon sa kanilang dating school head, Gng. Heidi Adi, naisip umano niya ang mga balat ng saging na araw-araw itinatapon dahil sa mga binebentang turon at banana cue. Kaya naman, nakaisip siya ng paraan upang mapakinabangan ito at naalala niya ang araling tinuro sa kanila noon sa agrikultura.

Dagdag pa rito, aktibo umano siya sa kanilang Gulayan sa Paaralan kaya ginamit nila ang paraang ito bilang isang win-win solution. Aniya, kailangan ang mga concoction upang magkaroon ng likas na alternatibo sa mga kemikal na pataba at pestisidyo.

Ngunit hindi pa natatapos dito. Hindi lamang sa eskuwelahan ginagawa ang mga ganitong organic fertilizers—pati na rin ang mga social media influencers ay nakikiisa rin sa paggawa ng alternative fertilizers.

Tulad ni Liezl Pajel, isang Facebook influencer ay nagpakita ng kaniyang kahusayan sa paggawa ng FFJ. Ang kaniyang ginawang reels o bidyo ay nagbigay ng reaksiyon sa mga netizens. Dahil dito, isa si Pajel sa mga taong nagbibigay-kaalaman sa kaniyang kapwa sa tamang paggamit nito.

Sa mundo natin ngayon, kung saan mas lalong nasisira na ang kalikasan, huwag nawa maging hadlang ang kawalang-pakialam sa nangyayari sa ating kalikasan.

Tulad ng isang halaman, patuloy itong lumalaki hanggang sa marating ang kaniyang angking ganda. At kung ihahalintulad ‘man ito sa bawat tao, ang mga gawain ng Central Azucarera de Tarlac High School-Annex at ng social media influencer na si Liezl Pajel ay isang pagpapakita ng kanilang determinasyon sa pagtulong na pagandahin at buhayin muli ang nasisirang kalikasan.

Sa bawat balat ng saging na tinatapon, may mga aral at pagtatanto ang siyang naghihintay sa atin—sinasabi rito na sa bawat maliliit na paraan, kaya nating pagsamahin ang agham at malasakit sa pag-asang mapapabuti pa natin ang mundo.

Kung ang bawat isa ay matututong gumamit ng likas na paraan, tiyak na mas magiging matamis—hindi lamang ang prutas, halaman, at ani, kundi pati na rin ang kinabukasan ng ating inang kalikasan.
H

Written by Hayden Datang, Insight PH

Hayden Datang, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Science and Technology

MMark Daniel Lopez, Insight PH

SCITECH | Same Place, Different Pace

On a dim night where clouds cover the sky and only streetlights illuminate the sidewalks we pass through—men look forward to their paths, but women...

9 days ago 2 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | When Angeles City is Dry but its Students are not

When the rain began falling more intensely in Pampanga during the second week of August, a clear and resounding call echoed across the region: a su...

10 days ago 4 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | Tag, Toss, Repeat: The Day Cells Learned to Read New Instructions

Scientists spent decades searching for stronger drugs to fight elusive proteins. But what they discovered was far more elegant: our bodies already ...

14 days ago 5 min read
Explore all Science and Technology articles