AGTEK | Tagas ng Kapinsalaan: Ethanol Distillery Spill, Banta sa Kalikasan

M

Mihaela A. Amistoso, Insight PH

Author

3 min readDecember 3, 2025
AGTEK | Tagas ng Kapinsalaan: Ethanol Distillery Spill, Banta sa Kalikasan

Mabango at mas marahan sa balat ang kadalasang rason kung bakit mas pinipili ng karamihan ang ethyl alcohol. Nang mag pandemya, naging kaakibat natin ito bilang panangga sa COVID-19. Ngunit, tiyak na kabaliktaran ang nangyari sa mga kababayan nating mangingisda sa Negros Occidental.

Idineklara na sa state of calamity ang munisipalidad ng Manjuyod at Bais sa Negros Oriental dulot ng ethanol spill sa pumapalibot na katubigan, ang Tañon Strait, na pinakamalaking protektadong bahagi ng katubigan sa bansa, dahil sa malawakang epekto nito sa agrikultura, kabuhayan, at yamang-dagat noong Nobyembre 3, 2025.

Nangyari ang insidente noong Oktubre 24, 2025, matapos maging itim at masangsang ang dating kulay asul na tubig.

Mula ito sa gumibang dingding ng wastewater lagoon ng Universal Robina Corporation (URC), sa kanilang planta para sa ethanol distillery. Ang pagguho nito ay nagresulta sa mahigit kumulang 255,000 metro kubiko ng tubig-dumi, o sapat na upang punan ang 100 Olympic-size na swimming pool.

Bagama’t sinasabi ni Atty. Rachel Cawit, tagapamahala ng operasyon ng URC, na purong organiko lamang ang wastewater mula sa planta, isang byproduct o nabubuong produkto mula sa proseso ng ethyl distillation ang Vinasse.

Sa kabila ng mataas na organikong nilalaman ng Vinasse, mataas din ang toksisidad nito. Ayon sa OCEANA, may kakayahan ang residyong likidong ito na manatili sa haligi o sediment ng tubig. Maaari itong magdulot ng kakulangan ng oxygen sa tubig, isang rason kung bakit nanganganib ang buhay ng mga hayop at halaman sa tubig.

Nakapaloob ang tubig na nakapaligid sa Bais at Manjuyod sa Tañon Strait, ang pinakamalaking protektadong katubigan sa Pilipinas. Tahanan ito ng libo-libong specie ng mga hayop o halaman na nainirahan sa tubig, kasama ng 14 na natatanging uri ng dolphin at balyena, at iba pang endangered species katulad ng dugong.

Maraming organismo ang malalagay sa panganib dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig at kakulangan sa pangangailangan. Ilan na rito ang mga Indo-Pacific bottlenose dolphin, at short-finned pilot whale, na may posibilidad na bumaba ang populasyon, dulot ng hindi sapat na nutrient cycling, o proseso kung saan ang mahahalagang sustansya ay umiikot sa kalikasan at organismo. Sa sitwasyon kung saan hindi maayos na nasusndan ang prosesong ito, bumababa ang kalidad ng organismo, at naaapektuhan ang food chain.

Hindi lamang panganib ang dala sa iba’t ibang organismo na matatagpuan sa Tañon Strait ang hypoxia, o kakulangan ng oxygen sa tubig, kundi, pati na rin sa mga kapwa Pilipino na tanging pangingisda ang hanapbuhay.

Dahil mababa ang kalidad ng mga isda o maaaring mabenta na lamang-dagat, nawawalan ng interes ang mga mamimili, kung kaya’t nawawalan ng kita. Ang kontaminadong katubigan ay nagdudulot din ng mabilisang pagkamatay ng mga isda, isa pang hamon sa mga mangingisda.

Naglabas naman ng abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Region VII bilang babala sa pagkain ng mga isda, crustacean, at seaweeds upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na konektado sa ethanol spill.

Sa kabila ng benepisyo ng ethyl alcohol sa pang araw-araw na kalinisan, ipinakikita ng insidenteng ito ang kaakibat nitong seryosong panganib. Ang parehong kemikal na nagbibigay proteksyon sa tao ay may kakayahang magdulot ng pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng kapwa Pilipino. Sa bawat ginhawa na nakakamit tuwing gumagamit ng alcohol, marapat na alalahanin ang responsibilidad na pangalagaan ang tubig, yamang-dagat, at buhay ng mga organismong bahagi ng mundong kinabibilangan.

M

Written by Mihaela A. Amistoso, Insight PH

Mihaela A. Amistoso, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Science and Technology

MMark Daniel Lopez, Insight PH

SCITECH | Same Place, Different Pace

On a dim night where clouds cover the sky and only streetlights illuminate the sidewalks we pass through—men look forward to their paths, but women...

9 days ago 2 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | When Angeles City is Dry but its Students are not

When the rain began falling more intensely in Pampanga during the second week of August, a clear and resounding call echoed across the region: a su...

10 days ago 4 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | Tag, Toss, Repeat: The Day Cells Learned to Read New Instructions

Scientists spent decades searching for stronger drugs to fight elusive proteins. But what they discovered was far more elegant: our bodies already ...

14 days ago 5 min read
Explore all Science and Technology articles