Sa henerasyon natin ngayon, hindi napapahalagahan ang usapin ng sex education. Dahil sa kakulangan sa kaalaman patungkol dito, nagkakaroon na ng hawaan—pati na rin ang mga kuto sa ari. Kung iisipin naman, mapipigilan naman ang paghawa nito. Ngunit sa kakulangan sa kaalaman, nagkakaroon ng hawaan. Hindi rin naman dapat ikahiya ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa sex education. Isang malaking tanong ang bumabalot sa isipan: dapat nga bang ito bigyang halaga upang maiwasan ang hawaan ng mga kuto sa ari?
Ayon sa Cleveland Clinic, ang crab lice o mas kilala bilang pubic lice ay maliliit na insekto na naninirahan sa buhok ng ari. Karaniwan itong nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Maaring magkaroon din ng matinding pangangati sa iyong ari. Ngunit ito naman ay puwedeng mawala kapag nagamot ng tama sa pamamagitan ng paggamit ng espesyal na shampoo or creams upang tuluyang mamatay at mawala ang kuto.
Maliban sa paggagamot, maari mo ring solusyon sa kuto sa ari ay sa pamamagitan ng matutuhan at alamin ang impormasyon nito. Sa ganitong paraan, natutunan mo na at nalalaman mo na kung paano nga ba ‘to iwasan.
Kung ako ang iyong tatanungin, sang-ayon ako na bigyang halaga ang sex education sa henerasyon ngayon. Kahit alam kong masyadong kontrobersyal ang usaping ito, ngunit mas maganda na at mas mainam na magkaroon ang bawat indibidwal ng kaalaman—lalong-lalo na sa pagpipigil ng hawaan ng kuto sa ari. Sa pamamagitan ng solusyong ito, mapipigilan ang hawaan na nagdudulot ng salot sa buhay ng isang tao.
Sa halip na manahimik patungkol sa isyung ito, mas mainam nang turuan ang mga kabataan tungkol sa usaping ito. Sa paraang ito, magiging bukas ang isipan ng kapwa kabataan sa mundong kinabibilangan nila at mapipigilan ang pagkakaroon ng hawaan at mga impeksyon. Nagpapakita rin ito ng kalinisan at kahalagahan sa isang tao bagkus namumulat na ang kanilang mga mata sa usaping ito.
Sa huli, marapat bigyang pansin at halaga ang sex education. Hindi lamang ito makakatulong sa pagpipigil ng hawaan ng crab lice, bagkus makapagbibigay din ito ng malawak na usapin tungkol sa pakikipagtalik sa tao. Sa pamamagitan ng sapat na kaalaman, doon nagsisimula ang kalinisan ng kabataan. Nawa’y mamulat ang mga mata ng kabataan ugnay sa sex education.

M
Written by Melissa Faith Vibar, Insight PH
Melissa Faith Vibar, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.