AGTEK | Pagtaas ng Dagat, Saan nga ba Mula?

M

Mihaela A. Amistoso, Insight PH

Author

4 min readMarch 1, 2026
AGTEK | Pagtaas ng Dagat, Saan nga ba Mula?

Isang lipon ng mga isla na may iisang pagkakakilanlan ang bansang Pilipinas. Isa itong arkipelago, na dinadayo ng mga turista upang makita ang mga naggagandahang tanawin at kultura. Ilan na rito ang isla ng Bohol, matatagpuan sa gitnang bahagi ng Visayas—isa sa tatlong pangunahing pulo ng bansa. Mapuputing buhangin, malinaw na tubig, matataas na bulubundukin, at mayaman na buhay dagat ang matatagpuan sa isla. Bukod sa masasarap na pagkain, binabalik-balikan din ng mga turista ang taglay na saya na dala ng lugar.

Subalit, sa patuloy na pagbabanta ng pagtaas ng lebel ng tubig sa buong mundo, hindi sapat ang kagandahan para maisalba ito.

Isa ang isla ng Batasan, matatagpuan sa probinsya ng Tubigon, Bohol, ang kilalang apektado ng ganitong pangyayari. Binansagan itong “sinking island”, matapos mapansin ang unti-unting pag-ilalim ng lupang kinatatayuan matapos ang lindol noong 2013, na tuluyang nagbukas ng pinto upang pasukin ng tubig ang kanilang mga bahay tuwing high tide. Bago nito, ang Batasan ay tinatayang nasa isang metro above sea-level. Ang kinahinatnan ng Batasan ay hindi lamang epekto ng malakas na pagyanig, isa rin itong babala sa kung ano ang kayang gawin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa ating bansa.

Matagal nang banta ang pagtaas ng sea level sa buong mundo. Noong 2000, nasa 3.2 milimetro taunang pandaigdigang pagtaas ng lebel ng tubig. Sa kadahilanang hindi pantay ang landmass ng mundo, hindi magkasintaas ang epekto ng penomenang ito. May ibang mga bansa na mas mataas at higit ang bahid na iniiwan nito, katulad na lamang ng Pilipinas, kung saan tinatayang nasa 5.7-7.0 milimetro ang itinataas ng lebel ng tubig bawat taon, doble sa global average rate.

Kilala sa pangunahing sanhi ng sea level rise ay ang pandaigdigang pag-init o global warming. Nagdudulot ito ng pagbabago ng klima, na nakaaapekto sa polar regions ng mundo. Ang mga bloke ng yelo na matatagpuan sa mga rehiyon na ito, katulad ng Antartica, ay unti-unting natutunaw dahil sa biglaang pag-init. Ang mga ice sheets o iceberg na ito ay natutunaw papunta sa karagatan, at nagkakaroon ng malaking ambag sa global na pagtaas ng lebel ng tubig. Subalit, mayroong iiba pang dahilan kung bakit tumataas ang sea level sa kasalukuyang panahon.

Sa iba namang sitwasyon, hindi tubig, kundi land mass ang nagiging sanhi.

Isa ring sanhi ang groundwater pumping, o pagbomba ng tubig palabas ng ilalim ng lupa. Ang prosesong ito ay nagbibigay daan upang pumaloob ang tubig sa lupa, kung kaya’t nagiging mas maluwag ang pagkakabuo ng kalupaan, at mas bulnerable sa paglubog.

Nang manalasa naman ang malakas na pagyanig sa Bohol, isang dekada’t mahigit na ang nakalilipas, maraming bahagi ng probinsya ang gumuho paibaba. Katulad ng Batasan, ang mga maliliit na isla na ito ay kasalukuyang nakararanas ng matataas na pagbaha tuwing high tide, at may iilang bahagi na tuluyan nang natabunan ng tubig.

Hindi lamang makikita sa heograpiya ng isang bansa ang epekto ng pagtaas ng sea level. Makikita rin ito sa maliliit na baryong pilit na itinataguyod ang maliit na komunidad. Makikita ito sa mga pamilyang unti-unting lumilikas mula sa kanilang tahanan. Makikita ito sa mga buhay na pinagkaitaan ng magandang kalidad, dahil sa kanilang limitadong kakayahan.

Patuloy na tataas ang lebel ng tubig. Hindi na ito maaagapan, dahil sa matagalang epekto ng climate change. Patuloy ang pag-init ng malalamig na rehiyon, patuloy ang pagkatunaw ng mga yelo. Kasabay nito ang patuloy na kawalan ng pag-asa ng mga pamilyang apektado.

Ang tanong ngayon ay hindi kung tataas pa ba ang tubig—kundi, kung paano kikilos habang may lupa pang natitirang matibay na tuntungan. Bagkus, hindi lamang babala ang pagtaas na ito. Isa rin itong panawagan upang mas pahalagahan ang kalikasan. Panawagan upang maging mas intensyonal at maingat ang mga desisyon.

M

Written by Mihaela A. Amistoso, Insight PH

Mihaela A. Amistoso, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Science and Technology

MMark Daniel Lopez, Insight PH

SCITECH | Same Place, Different Pace

On a dim night where clouds cover the sky and only streetlights illuminate the sidewalks we pass through—men look forward to their paths, but women...

9 days ago 2 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | When Angeles City is Dry but its Students are not

When the rain began falling more intensely in Pampanga during the second week of August, a clear and resounding call echoed across the region: a su...

10 days ago 4 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | Tag, Toss, Repeat: The Day Cells Learned to Read New Instructions

Scientists spent decades searching for stronger drugs to fight elusive proteins. But what they discovered was far more elegant: our bodies already ...

14 days ago 5 min read
Explore all Science and Technology articles