AGTEK | NAKAKAHIYANG MAGSABI: Teknolohiya ba ang Lunas sa Pagod na Isipan?

Minsan, hindi sapat ang ‘may sasabihin ako’ sa problemang binubuhat ng isang tao. Kaya dahil dito, umaasa na lang ang karamihan sa teknolohiya na magiging daan upang gumaling sila sa hinanakit na dinarama nila.

H

Hayden Datang, Insight PH

Author

4 min readOctober 29, 2025
AGTEK | NAKAKAHIYANG MAGSABI: Teknolohiya ba ang Lunas sa Pagod na Isipan?
"May sasabihin ako."

Tatlong salita, isang pangungusap. Para sa iba, baka ito'y nakatutuwa. Kung titingnan sa ibang banda, napakalalim ng ibig sabihin at ipinapahiwatig nito. Ano nga ba ito? Isang pangungusap na sinasabi upang magkuwento ng haka-haka, kuwentong-bayan, tsismis? O salitang ginagamit upang magsabi sa karamdaman ng isang tauhan — panloob o panlabas man.

Isa ang mental health sa napakaraming isyu na pinakatututukan sa Pilipinas. Noong Oktubre, inilunsad ng Department of Health (DOH) at ng World Health Organization (WHO) ang Philippine Council for Mental Health Strategic Framework 2024-2028; ang layunin ng plano nito ay magbigay-gabay sa pagbuo at pagtupad ng mga polisiya, programa, at serbisyo ng mental health sa nasabing bansa.

Ayon sa pagsusuri na isinagawa ng Mayo Clinic noong 2020 at 2021, ang stress at insomnia daw ang pinaka-unang sanhi kung bakit nagkakaroon ng problema sa mental health ang isang tao; tulad ng anxiety at depression.

Base naman sa ulat ng Grand View Research (GVR), halos 40% na mga tao sa America ang nakakaramdam ng sintomas ng depression at anxiety bago pa man pumasok ang COVID-19 noong mga nakaraang taon. Kasabay ng pagtaas ng porsiyento nito, ay siya ring kasabay ng pagtaas ng pangangailangan sa pinansiyal bilang suporta sa mga programang nakapokus sa mental health tulad ng mga mental health-related apps.

Habang umuusad ang unti-unting pagbabago ng teknolohiya, sumasabay rin ang pag-usad ng mga makabagong application o apps na nagiging daan upang mas mapadali ang pagpapagaling sa mga taong nakakaramdam o may problema sa kanilang mental na kalusugan.

Halos $6.25 billion ang kinikita ng mga inilunsad na mental health apps, at inaasahan pa ang pagtaas ng Compound Annual Growth Rate (CAGR) ng 15.2% mula sa mga taong 2024 hanggang 2030.

Ang paglalabas ng mga mental health apps na ito ay nagpapadali ng transaksyon, at pagpapagaling na nagiging daan din upang magpalaganap ng kaalaman patungkol sa napapanahong isyu ng mental health. Sa pamamagitan nito, mas napapatibay pa ang isip ng bawat isa kung ano nga ba ang mental health at kung ano ang dapat gawin kapag may taong nakakaramdam ng problema nito. Ito rin ang daan upang umabot sa matataas na sektor tulad ng gobyerno, o sinumang politiko na maaaring maging daan upang mas mapagtuunan ng pansin ang isyung ito.

Iilan lamang ang Lusog-Isip, Mind You, Tahan, MindNation, at Calm sa napakaraming mental health apps na kumakalat sa buong mundo.

Ano nga ba ang dapat gawin kung hindi nabibigyan at napagtutuunang-pansin ang mental health o mental na kalagayan ng isang tao? Hahayaan na lang ba ang sarili at hihintaying umalis ang sakit na nadarama? Ayon sa Sulat-Salin, isa ang pagsasabi ng problema sa ibang tao ang pinakamadaling gawain upang mabawasan ang hinagpis na nararamdaman ng isang tao.

Subalit hindi ganoon kadali ang pagsasabi at pagkuwento ng problema sa iba. Minsan, hindi sapat ang ‘may sasabihin ako’ sa problemang binubuhat ng isang tao. Kaya dahil dito, umaasa na lang ang karamihan sa teknolohiya na magiging daan upang gumaling sila sa hinanakit na dinarama nila.

Maganda man sa isipan ng iba ang mga application na ito, pero hindi mawawala sa paniniwala na ito’y magiging sagabal rin sa pagpapagaling ng isang tao sa kaniyang sarili. Hindi dapat laging inaasa sa teknolohiya ang mga trabaho, lalo na’t kung patungkol ito sa kalusugan ng isang tao. Napapabawas ‘man ito ang sakit na nararamdaman ng isang tao, pero ‘di maipagkakait na ito rin ang magiging dahilan upang palitan ang trabaho ng mga taong dapat na gumagawa rito.

Dagdag pa rito, ang paggamit ng mental health apps sa henerasyon na umuusbong ang teknolohiya ay isa rin sa magandang factors upang mas mapadali ang; pagpapagaling ng sarili, at pagpapalaganap ng kaalaman patungkol sa napapanahong isyu na ito. Pero sa bawat positibo at kagandahan na mayroon ang isang sitwasyon ay siya ring nagkakaroon ng negatibong epekto hindi lamang sa tao, pati na rinsa buhay rin nito.

Napapadali ng teknolohiya ang mga trabaho ng mga Doktor, Psychologists, at iba’t-iba pang mga taong nasa larangan dahil sa kagamitan ng mga Mental Health-related Application — lalo na’t mas pinapadali na nito ang buhay ng mga taong nahihiya at takot magsabi ng nararamdaman nila sa ibang tao. Nakakalungkot lamang isipin dahil sa kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay siya ring kasabay ng pagbaba at pagbabawas ng mga manggagawa o mga taong nagtatrabaho sa field na ito — na dapat sila ang gumagawa sa mga trabahong ito.

Sa huli, mapa-teknolohiya o propesyonal man na tao ang gagamitin, kakausapin, o sasabihan; huwag sanang mawala sa isipan na sa mundong puno ng gulo, karahasan, karimlan, at walang-kapayapaan; ikaw mismo ang magiging bituin na s’yang patuloy ang kagandahan sa pagkinang sa mundong ibabaw.
H

Written by Hayden Datang, Insight PH

Hayden Datang, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Science and Technology

MMark Daniel Lopez, Insight PH

SCITECH | Same Place, Different Pace

On a dim night where clouds cover the sky and only streetlights illuminate the sidewalks we pass through—men look forward to their paths, but women...

9 days ago 2 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | When Angeles City is Dry but its Students are not

When the rain began falling more intensely in Pampanga during the second week of August, a clear and resounding call echoed across the region: a su...

10 days ago 4 min read
JJaimielyn T. Villapaña, Insight PH

SCITECH | Tag, Toss, Repeat: The Day Cells Learned to Read New Instructions

Scientists spent decades searching for stronger drugs to fight elusive proteins. But what they discovered was far more elegant: our bodies already ...

14 days ago 5 min read
Explore all Science and Technology articles